JANE POV Pag alis ko, sa labas na ako tuluyang naiyak. Mahal ko ang mga kapatid ko pero sadyang masama lang ang loob ko kay Shaina. At kung hindi niya sasabihin ito sa lalaking nakabuntis sa kanya, ako mismo ang hahatak sa gagong 'yun papunta kay Mama. Nagtaxi ako pauwi. Sinusubukan kong tawagan ni Mama pero hindi ito sumasagot. Nagtataka naman ako kung saan ang lakad niya. Wala naman siyang nabanggit sa akin kanina sa bago ako umalis ng bagay kaya medyo weird lang sa akin na hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta. Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin, napahinto ako ng lakad nang matanaw ko si Kevin sa labas, nakaupo siya at may hawak ng bote ng alak. Dahil sa tindi ng galit ko, lumapit ako sa kanya at nang tinginan niya ako napansin ko ang pamumula ng kanyang mga pi

