JANE POV "Pasensya ka na ha! Hindi talaga tayo ang itinadhana para sa isa't isa eh." Bigla niya akong hinawakan sa kamay, "Iyan ang hindi ko matatanggap Jane! Bakit hindi pwedeng maging tayo ulit ha?" "Dahil tapos na tayong dalawa Kevin! Siguro naman kitang kita mo ang pagbubuntis ko di ba? Magkakaroon na kaming dalawa ng baby ni sir Charles!" "Anong baby ni Sir Charles? Kahit na lasing ako, alam na alam ko na may nangyari sa ating dalawa sa bahay ninyo Jane. Ilang buwan lang ang nakakalipas tapos buntis ka na ngayon." Kinabahan akong bigla sa sinabi niyang ito, "Ano ba? Walang ka sense sense ang sinasabi mo sa akin! Pag sinabi kong hindi ikaw ang tatay ng dinadala ko, makinig ka sa akin ha? Masyado ka naman yatang ilusyunado jan! Alam mo ba, maraming beses naming sinubukan ni sir Cha

