JANE POV Sa tatlong araw na wala si sir Charles, tatlong araw din kaming naglalampungan dalawa ni Kevin. Masarap lamang sa pakiramdam na nandito siya ngayon sa tabi ko kahit na sa tuwing gabi lamang kami lihim na nagkikita. Nagiging maingat lang kaming dalawa dahil mahirap na at baka makita pa kami ni Manang o nang iba pang mga kasambahay. Mahirap pa naman mabuhay ng ganito dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin kapag nahuli kaming dalawa. Baka ang kinatatakutan kong si sir Charles ay bigla na lamang maging isang masamang tao ng dahil sa panlolokong ginagawa naming dalawa ni Kevin. Wednesday morning, naka receive naman ako ng isang video call galing kay sir Charles habang nakain ako. Mabilis ko naman itong sinagot. "Hello sir!" masayang pagbati ko pa. "Kamusta ka na?" t

