JANE POV 3 days later, pinabalik na kami ni sir Charles sa mansyon niya na parang wala lang nangyari. Bumalik rin siya sa kanyang dating pag uugali. Ang bait bait niya sa aming dalawa ni Kevin na para bang tinuturing na niya itong isang tunay na anak. Isang bagay na para sa akin ay nakakatuwa. Sadyang likas na ganito siguro talaga itong si Sir Charles! Sabagay, siguro may lukso kaagad ng dugo noong una silang magkitang dalawa. Makalipas lamang ang isang oras, mayroon kaagad dumating na isang doctor. At sa pagkakaalala ko, siya mismo yung doctor na nagpunta noong nakaraang araw dito. Mayroon siyang dalang isang brown envelope at dumating siya ng nakangiti. Nakaupo siya sa harapan ni sir Charles samantalang magkatabi naman kaming dalawa ni Kevin. Parehas pa kaming kinakabahan sa mga nang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


