KEVIN POV "Aba? Gago ka ba ha? Nakikita mo naman ang sitwasyon ko di ba? Binigyan na niya ako ng trabaho at sapat na iyon sa akin. Kung tutuusin malaking tulong na ito sa amin ng pamilya ko. Ayaw ko naman abusuhin ang tulong na binibgay ni sir." "Ikaw bahala ka! Pero wait lang, di ba mayroon kang sinabi nitong nakaraan sa akin? Ang sabi mo ay hindi nagmatch ang DNA ninyo ng papa mo?" "Oo eh! Hindi nag match ang DNA naming dalawa, ang weird lang kasi alam ko naman na tatay ko siya eh." "Nako parekoy! Sabi ko sayo eh, malabo talaga na totoong pamilya mo sila kasi tingnan mo iyan, hindi nag match ang dugo mo sa papa mo at sigurado ako na ganoon din ang sa mama mo." "Nako! Anong gusto mong palabasin? Okay lang naman sa akin kung talagang ampon lang nila ako pero kung papipiliin ako, mas g

