Napangiti ako sa sinabi niya kaya tumango ako. Napahiyaw na lang ako ng Bigla na lang ako buhatin ni kuya palabas ng Kubo. At tulad ng sinabi niya ay buhat-buhat niya ako patungo sa aming cottage na aming kinuha. Kasunod rin namin ang mga tao na kinausap namin para sabihin ang mga kasinungalingan namin dalawa. Ang nag-aalalang Mukha ni mama ang unang sumalubong sa amin ng Puno ng pag aalala dahil sa Nakita niya. "Anak iha, ano nang-yari sayo, bakit ka buhat ng kuya mo may nang-yari ba?" "Wala ma, wag na poh ninyo ako alalahanin medyo napagod lang ako sa layo ng pinuntahan namin kanina." Agad naman tumango si mama sa amin at Hindi na nag abala pa mag Tanong. "sino sila?" "Sila poh ang mga tumulong sa amin sa gubat. Pwede ba natin sila pakainin bago sila umalis?" "Sige, pasok kayo

