Nang magising ako ay agad ko inayos ang aking sarili dahil maaga pa ang pasok ko sa paaralan. Nakasuot lang ako ng normal na school uniform at naglagay lang ng kaunting liptint bago ako lumabas ng aking silid. Pag labas ko ay nag tungo agad ako sa dining area para mag-agahan. Naandon na si mama at si si tito vic, sa dining area para kumain. "Good morning, ma," "Oh, Narito na pala ang maganda ko anak." Nakangiting wika nito. "Hi, tito." Lumapit rin ako kay tito at dinampian ng halik ito sa pisngi, bago ako naupo sa tabi nito. Hindi naman nag tagal at pumasok narin si david na may ngiti sa kanyang labi. Una lumapit ito kay mama at hinalikan ito sa pisngi bago ito lumapit sa akin at hinalikan rin ako sa aking pisngi katulad ng ginawa nito kay mama. "Good morning, baby sis," wika ni kuy

