Ipinag hila ni tito ng upuan si mama habang ako naman ay ipinag hila naman ni kuya ng upuan. Nag aatubili ko ng kinuha ang aking mga kubyertos at sumandok na rin ng porsyon ko ng pagkain. Sa talang ng aking buhay, ngayon ko lamang naranasan na mag luto ng ganitong karaming pagkain. Ng mag kasama kami ni mama noon tanging kami lang dalawa ang kumakain ng sabay, pero ngayon ay napakasaya ko na dahil may pamilya na ako na masasabi ko masaya at kumpleto. Hindi na rin napigilan ni kuya na magkumento sa pagkain na kasalukuyang katabi ko. "Hmmm..masarap ang luto mo huh naka chamba ka." "Tsssk, matagal na masarap ang luto ko ayaw mo lang talaga aminin." Nakangiti wika ko sa kanya na ikinatawa naman nina mama. "Kayo dalawa Kumain muna kayo bago magusap." Wika ni mama sa amin kaya natigilan ka

