Nagising ako dahil sa sikat ng araw.
Naramdaman ko na mayroong yumakap sa akin. Pero nawala rin bigla ang pagyakap n'ya.
“Khia, mayroon ka ng dalaw. Mayroon ka pa bang gagamitin para d'yan? Kapag wala, pupunta ako sa grocery store para bumili.” Inalalayan n'ya ako para makaupo. Pero binulong ko sa kan'ya na buhatin na lang ako paalis sa kama dahil baka lalong kumalat ang dugo sa aming bedsheet.
“Wala na akong gagamitin, Sav,” humikbi ako.
“Okay sige, bibilhan kita ng kailangan mo. Uhm, how about sa pagkain? Mayroon ka bang gusto na pagkain?”
“Siomai lang, Sav. Uhm... Siguro mga sampung order?”
Ngumiti s'ya, “Wow. Sige, copy. Dito ka muna ha.”
“Yes! Ingat, Sav ko! Muaa!”
Niyakap n'ya ako at hinalikan sa aking noo.
**
Makalipas ang ilang minuto.
“Sav, ang sarap talaga nitong siomai. Look, isa na lang oh, mauubos ko na.”
“Ang cute mo. Sigurado ka ba na wala ka ng ibang gusto? How about adobo? Gusto mo ba na lutuan kita?”
“Are you sure, Sav?”
“Hey.” Ginulo n'ya ang buhok ko. “Bakit ka pa nagtatanong? Responsibilidad ko na asikasuhin ka 'no. Wait lang, lulutuan kita ha. D'yan ka muna.”
Tumango ako ng mabilis. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi.
Makalipas ang ilang minuto.
Naaamoy ko na ang mabangong adobo. Biglang kumulo ang tyan ko.
Si Sav, para sa akin ay s'ya ang pinakamagaling sa pagluluto ng adobo. Walang papantay sa kanya kahit na araw-araw n'ya akong lutuan ng ganu'n ay hindi ako magsasawa.
Sa tuwing aalis 'yan s'ya dahil may duty na s'ya, lulutuan n'ya muna ako ng maraming adobo. Initin ko na lang daw kinabukasan. O kung malapit ng mapanis ay iprito ko ang karne.
Wala akong blush on. Pero ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.
“Ganda! Halika na! Kakain na tayo. Hindi na kita mapuntahan d'yan kasi naglalagay ako ng plates sa mesa!”
Dali-dali akong tumakbo papunta sa dining area.
I saw my husband. He is still wearing an apron. He's so cute and, at the same time, hot.
“Ganda, halika na dali.” Inayos n'ya ang uupuan kong upuan. Nang makaupo ako ay hinawakan n'ya ang balikat ko. “Sigurado ako na masasarapan ka d'yan sa niluto ko, ganda.”
“Hmm, weh?” biro na tanong ko. Pero ang totoo ay gustong-gusto ko ng tikman ang adobo.
“Go na, ganda. Tikman mo muna.”
“Hey, sabay na tayong tumikim, Sav.”
“Kanina ko pa 'yan natikman. It's your turn, ganda. Dali.”
Tinikman ko ang niluto n'yang adobo. Napapikit ako sa sobrang sarap. “Oh my god, the best. Ang sarap, Sav! Halika na, kumain na tayo dali. Sige ka, 'pag ito'y naubos ko.”
Humalakhak s'ya.
Ngayon ay magkatapat na kami.
“Tara na't kumain, ganda,” kumindat s'ya. Kumunot naman ang noo ko bilang sukli, pero ang totoo ay kinikilig ako.
**
Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay ni Sav. Nakaupo kami sa portable folded chair namin.
“Ang sarap mag-relax ng ganito 'no, Khia?” Hinawakan n'ya ang kamay ko. “Ayaw ko ng matapos na ganito tayo. Ayaw ko ng umalis. Sana pala mayroon na akong sapat na ipon para palagi na ako sa 'yong tabi.”
“Sav, wala tayong magagawa. Ang mahalaga naman ay nagkikita tayo 'di ba?” Isinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya. “Ang makasama ka at makita ka ng ilang araw ay
sapat na sa'kin.”
Naramdaman ko na nanginig ang buong katawan ni Sav. Kaya tumitig ako sa kanya. “Hey, hey, may problema ba?”
“Masaya lang ako, Khia. Sobrang saya ko.”
“Sigurado ka ba, Sav? Nakakainis ka. Baka hindi ka nagsasabi sa akin na mayroong masakit sa katawan mo ha. Masusuntok kita.”
Tumawa s'ya. Kinurot n'ya ang pisnge ko. “Bakit ka po galit, ganda?”
“Tsk!” Tumalikod ako.
Niyakap n'ya ako. “Huwag ka na pong magtampo. I love you. Sorry na. Wala lang 'to, Khia. Masaya lang po talaga ako ha. Natatakot lang ako na iwan ka. You know, ayaw ko na talagang umalis. I love you. Sorry.”
Humarap ako sa kanya. Niyakap ko s'ya pabalik. “Sa totoo lang, napakasarap talaga na tumambay lang sa dibdib mo. Na maghapon tayong ganito. Pero kailangan nating mabuhay. Hindi tayo makaka-survive kung magkayakap lang tayo maghapon.”
Iniharap n'ya ang mukha ko sa mukha n'ya. Hinalikan n'ya ng tatlong beses ang pisnge ko. At muli n'ya akong niyakap ng mahigpit.
Bigla kaming napatayo dahil umulan.
“Hala, Khia, pumasok ka na sa loob dahil baka magkasakit ka. Ako na ang bahala dito sa upuan natin. Susunod na ako sayo.”
“Ayaw ko, Sav. What if maligo tayo?” Tumalon ako. “Ay, basa na pala tayo. Naliligo na pala tayo. Tara na!”
“Ikaw, pasaway ka ha. Sige, ipapasok ko lang sa loob itong upuan natin. I love you!” Tumakbo s'ya papasok sa loob ng bahay.
Pumikit ako. Ibinuka ko ang arms ko para lalong madama ang pagpatak ng ulan.
Naramdaman ko na mayroong yumakap sa akin. “Sav...”
“Yes, ganda?”
Hinawakan ko ng mahigpit ang braso n'ya. “Taya ka! Habulin mo ako!” Mabilis akong humiwalay sa kanya.
Pinandilatan ko s'ya sabay inilabas ko ang dila ko para asarin s'ya. “Kaya mo kaya akong habulin? Baka runner ako noon.”
Itinaas n'ya ang kilay n'ya at ngumisi s'ya. “Lagot ka sa akin. Humanda ka.”
Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya.
Natatawa na lamang ako dahil alam ko na hindi n'ya ako kayang habulin.
Humarap ako sa kanya habang tumatakbo ng patalikod. “Ano? Kaya mo pa? Habol aba!” pang-aasar ko.
“Maaabutan din kita!” hinihingal na sigaw n'ya. Yes, sundalo s'ya, pero when it comes sa takbuhan ay wala s'yang laban sa akin. Hehe.
Tanaw ko s'ya mula sa malayo. Naaawa na ako sa kanya dahil tumigil s'ya.
Kumaway ako. Sumayaw ako na mayroong pang-aasar. “Kaya pa?”
Kumaway lamang s'ya. Hanggang sa napatalon ako sa gulat nang biglang kumidlat ng malakas. Sa sobrang takot ko ay kaagad akong tumakbo ng mabilis papunta sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko pero ang goal ko ay ang makalapit sa kanya dahil mayroon akong malaking takot sa kidlat.
Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad ko s'yang niyakap. “Sav, uwi na tayo. Tara na! Bubuhatin na kita basta ba'y umuwi na tayo!”
Ramdam ko ang pagtawa n'ya. Pero kaagad n'ya akong kinarga. “Tara na! Takot din ako sa kidlat!”
Kahit na parehas kaming takot ay nagawa pa rin naming tumawa. Sana ay hindi madulas ang asawa ko dahil lagot talaga.