Muling umahon si Dash sa swimming pool. Muling nagtama ang aming mga mata. “Khiaza, can you please get my towel on top of the sun lounger chair? Thanks.” Dali-dali akong lumapit sa upuan. Kinuha ko agad ang tuwalya n'ya. Lumapit ako sa kanya. Napaiwas ako ng tingin ng muling magtama ang aming mga mata. Para kasi akong kinukuryente. “Here, Dash.” “Maraming salamat.” Sinimulan na n'yang punasan ang ulo n'ya. At habang pinupunasan n'ya ang ulo n'ya ay umiiling s'ya, para lumabas ang tubig sa buhok n'ya. Sunod n'yang pinunasan ang katawan n'ya. After nyang magpunas ay inilagay n'ya ang tuwalya n'ya sa beywang n'ya. “Have you eaten, Khiaza?” “Yes. Salamat.” “Wait mo ako sa living area. Magbibihis lang ako.” Tumango ako. Bakit wala pang naglakakad sa'min? “Uhm, Khiaza, bago ka ma

