Humiga ako sa kama. Nacu-curious pa rin ako kung sino 'yung babae na tinutukoy ni Dash. Muli akong bumangon sa kama. Mayroon pa pala akong trabaho. Nakakatamad man, pero kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong kumayod para sa bahay na ipapagawa ko. Habang kausap ko ang isa kong client via video call, hindi ko mapigilan na isipin si Dash. “Are you okay, Khiaza?” tanong ng client ko. “Yes,” I smiled. Pero patago akong napangiwi. ** Nakahilata lamang ako sa kama. Saglit lang ang work ko pero 'yung sahod ko ay sapat na sapat na para sa akin. Virtual asistant din si Jaya kaya lagi kaming nasa bahay. And kapag aalis kami, dala namin ang mga laptop namin. 2:00 PM na pala. Parang gusto kong puntahan si tita Dallsh. Sige, pupuntahan ko s'ya. ** Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni tit

