Wala kaming ibang ginawa kundi ang magpictorial kasama ni Jason. Si Conrad ay nakaupo lamang sa couch na malapit lang sa amin na kung saan pwede nya kami matanaw. Nagtataka lang ako kasi may mga lalaki sa hindi kalayuan kahit saan kami magpunta, nandun din sila, nakatayo lang naman. Nagkibit balikat nalang din ako baka may inaantay lang sila, naging busy narin kami sa kaka picture. "Janelle dito ka," tawag ni Jason. Kunan kita ng picture. Lumapit ako at pumwesto malapit sa kanya. Nagselfie kami background ang Volcano. Ng tumingin ako kay Conrad bigla itong sumenyas na hawi ang kamay. "Ano ibig sabihin nya?" lumapit sa amin ang tatlo kong mga kaibigan. "Jason picture naman tayo!" tuwang sabi ni Kriselda. "Tayo din'" duet naman ni Anastasya at Julia. Tawa ng tawa si Jason habang hinihila nil

