Janelle's POV Pauwi na kami ng mga kaibigan ko galing sa event coordinator para sa binyag ng kambal ng makita ko ang isang lalake na pamilyar na naglalakad. Hindi ko maiwasan na titigan ito hanggang sa pumasok ito sa isang eskinita. Pinilit kong alalahanin ang lalake kasi malakas ang kutob ko na kilala ko sya. "Janelle, bakit may problema ba?" mahinang tanong sa akin ni Kriselda. "Ah wala parang may nakita lang ako na familar sa akin kasi. Masayang nagkukwnetuhan ang mga kaibigan ko pero parang bumigat ang pakiramdam pagkatapos kong makita ang lalake. Iba ang pakiramdam ko ng makita ko sya, Galit at takot ang naramdaman ko. Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya pinikit ko muna ang mga mata ko para makapagpahinga. Pagpikit ko biglang pumasok sa isip ko ang parati kong napapaginipan na lalake

