Nakaupo ako sa bench dahil wala ang Professor namin sa next subject. Nagbabasa ako ng book ng may naglanding sa paanan ko na bola. Pupulutin ko na sana ng biglang may pumulot dito. "I am sorry M......," nahintong sabi ng lalake. "Janelle," mahinang bulong nito pero sakto lang na umabot sa tenga ko. Nagulat ako kasi kilala nya ako. Tinitigan ko sya dahil familiar sya sa akin. Lumaki ang mga mata ko ng maalala ko sya. "Jason?" ang tangi kong nasambit. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko pagkakita ko sa kanya. Bigla akong napaluha at hindi makahinga. "Janelle are you alright?" pag-aalalang tanong nito. Pero mas lalo sumikip ang dibdib ko at sumakit ang ulo ko. "Ahhhh," sigaw ko habang hawak ang ulo ko. "Parang awa mo na Jason!" biglang pumasok sa isipan ko ang parati kong napapaginipan. M

