Ang bilis ng Panahon. Binyag na ng kambal sa makalawa. Paalis na kami papuntang Hacienda at excited na talaga ako para makita ko si Itay. "My love kompleto na ba lahat?" tanong sa akin ni Conrad. "Yes, my love handa na kami din ng kambal," masayang sabi ko. Paglabas namin nag-aantay na ang mga kaibigan namin. Gagamitin namin ang private plane ni Conrad para mas mapabilis ang travel. "Babe kulang tayo ng Ninong na isa, wala kasi akong maisip na ibang pwedeng mag Ninong," lambing ko dito. "Hayaan mo na importante may napili ka ng iba din. Gabi na ng dumating kami sa Hacienda pero mas gusto kong matulog kami sa bahay namin kasama si Itay. Masaya na umiiyak ang Itay ko ng makita ako. Hindi ko man maalala ang past pero alam ko sa puso ko na mahal ko ang Itay ko. "Anak magandang pagbabalik sa

