AYANA’S tears were rolling faster down her face. If crying could erase the pain, she’s willing to cry a thousand buckets of tears. If crying could erase the fact that Gavin left her, she’s willingly to cry endlessly. Nasa loob pa rin siya ng kwarto ni Gavin. Hindi niya kayang maglakad palabas sa kwartong iyon dahil alam niyang hindi siya matitigil sa pag-iyak. Pinaglaruan na naman siya ni Gavin. Akala niya magiging maayos na ang lahat. Akala niya matutupad na ang pangarap niyang pamilya kasama ito. Pero mukhang nagkamali siya. Hindi nga siguro siya kasama sa pamilyang pangarap nito. Wala ba talaga siyang halaga rito? Paano iyong pinagsamahan nila noong college? Iyong pag-aalala nito sa kaniya at ang pagiging protective nito? Wala lang ba talaga iyon lahat? Pinasaya lang ba siya nito ng

