Kabanata 05

1712 Words
"OO NGA, Star, bakit 'di mo subukan? Aba, pagkakataon na rin 'yon para mapalapit ka sa lalaking hinahangaan mo." Napalingon ako kay Mack na sumang-ayon sa sinabi ni Yeng. Kinuwento kasi ng pinsan ko ang tungkol sa audition na iyon. Tila pa hinimok niya si Mack na i-motivate ako para magbago ang isip ko. "Hindi nga ako bagay maging isang singer," kunot-noong protesta ko. Kasalukuyan kaming naglalakad sa mall. Sinamahan kasi namin si Yeng dahil may bibilhin daw itong beauty products. "Basta, Star, kung ako sa 'yo, mag-a-audition talaga ako para maging miyembro ng Angels Band. Kung ako nga lang sana ang may talent na gaya mo, e, 'di ako ang nag-audition doon. It's an opportunity for you," patuloy ni Yeng sa panghihimok sa akin. Ni sa hinagap ko hindi ko nakita ang sarili ko na kumakanta sa harap ng napakaraming tao. No'ng kumanta ako no'ng high school, napilitan lang naman ako noon dahil sabi ng teachers namin na mapapahiya raw ang section namin kapag walang kumanta. Pero noon pa lang alam ko ng may talento ako sa pagkanta at nakahiligan ko na rin ang pagtugtog ng piano kaya pinasok ako ni Mama sa isang piano lessons noong matapos ako ng High School. "E, 'di mag-audition ka, Yeng. Susuportahan na lang kita," sagot ko at nginitian siya. Kapagkuwa'y umiwas rin. "Sira! Alam mo naman kung gaano kapangit ang boses ko, 'di ba?" Narinig kong napatawa si Mack. Tahimilk lang ako at dumukot ng pagkain sa chicheryang hawak nito. "Star, 'di mo ba gustong makasama si Zhian? Makasamang mag-perform? Makasamang kumain? 'Di ba matagal mo ng pangarap 'yon?" Bumaling naman ako kay Mack. Seryoso ang mukha niya sa tanong na 'yon. "Hindi naman sa ganoon, kaya lang hindi ko talaga gustong pasukin ang mundong ginagalawan ni Zhian. Alam kung magulo ang buhay ng isang sikat. Maraming nakatingin sa 'yo at kailangan mong parating mag-ingat. Oo. Gusto kong makasama si Zhian, makasabay kumain, at maka-duet...pero gusto kong gawin 'yon bilang isang normal na tao na hindi hinahangaan ng lahat." Kunot ang noo ko habang sinasabi 'yon sa kanila. Ni sa panaginip ko hindi ko inisip na maging isang sikat na tao. Kahit alam ko sa sarili ko na may potential naman ako sa larangang 'yon. Okay na ako sa ganitong buhay. Simple lang at walang ibang inaalala. "Kung sabagay, tama ka naman. Kung sakaling mag-audition ka at matanggap, baka hindi ka na namin malapitan o makausap man lang." Lumabi pa si Yeng at tumango-tango. "Pero...pangarap ko talangang magkaroon ng sikat na kaibigan. Mag-audition ka na, Star," mabilis namang segunda ni Mack. Napahinto kami. Sabay kaming napalingon ni Yeng kay Mack. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ba talaga niya naiintindihan ang point ko? Sira ba 'tong si Mack? Nakita kong pinipigilan nitong matawa. "Bakit?" aniya at nagkibit-balikat pa. "Ayaw ko nga, 'di ba? Kulit mo, eh!" Inambahan ko pa siya ng suntok. Napailing naman si Yeng. "Joke lang, Star." Sabay puminta ang tawa sa mukha niya. Tinikwasan ko na lang siya ng nguso. "Naiintindihan naman kita, Star." Ginulo pa nito ang buhok ko. Inayos ko ang bahagyang pagkagulo ng aking buhok. Tiningan ko lang si Mack na magkasalubong ang mga kilay. – "ALAM niyo na ba na maghahanap ng bagong miyembro ang Angels Band?" Napalingon ako sa nag-uusap at nakita ko ang dalawang estudyante na nasa coffee shop na pinuntahan naming tatlo. "Try ko kayang mag-audition, 'no? Malay niyo matanggap ako," biglang saad ni Mack. Nagkatinginan kami ni Yeng at napahagalpak ng tawa. "Seryoso ka sa sinabi mo Mack?" may pang-uuyam sa naging tanong ko. "Bakit 'di ka na lang doon sa I Can See Your Voice, sumali. Doon pa may malaki kang pag-asa," segunda naman ni Yeng na lalong nagpatawa sa aming dalawa. Hindi ko kasi ma-imagine na si Mack, kakanta, e, hindi naman siya marunong kumanta. Narinig ko na kasi ang boses niya. Pero kung pagdating sa sayawan, siguradong maraming hahanga sa kaniya. "Ang harsh niyo naman sa akin." Sumimangot pa ang mokong na para namang totoo. "Bawal ba mag-audition doon ang sintunado?" painosente pa niyang tanong. "Malamang! Sa I Can See Your Voice hindi kailangang magaling ka, kaya doon ka na lang pumunta't mag-audition," natatawa pa ring pang-aasar ni Yeng. Bumaling si Mack kay Yeng at seryoso itong tiningnan. "Bakit 'di mo ako samahan? Pareho naman tayo ng boses, 'di ba?" balik niya. "Ayaw ko nga! Ikaw 'tong nagsabing mag-a-audition ka, eh." Lumayo pa ng bahagya si Yeng sa katabi. Uminom na lang ako ng kape habang pailing-iling. Alam ko namang nagbibiro lang si Mack. Ayon, nag-asaran ang dalawa sa kani-kanilang mga boses na panggising sa mga tulog mantikang tao. – "O, ANAK, ginabi na ata kayo nang uwi?" salubong sa akin ni Mama nang makapasok ako sa bahay. Kakauwi ko lang galing mall kasama sila Yeng at Mack. "Napasarap po kami sa paglilibot, e," dahilan ko at nagmano sa kaniya. "Ah! Kumain ka na ba?" tanong pa ni Mama. Umiling ako. Nararamdaman ko na nga ang pagkalam ng sikmura ko, e. Ilang oras din kaming nagparalakad kaya medyo napagod ako at nagutom. "O, siya. Tayo na't kumain." Agad kaming dumulog sa hapag. Napangiti ako ng maamoy ang mabangong amoy ng mga pagkaing nasa lamesa. Lahat 'yon paborito ko. May adobo at fried fish. "Siyanga pala, 'nak. Tumawag ang Papa mo at sinabing magpapadala raw siya ng pera para sa piano-ng gusto mong bilhin." Napaangat ako ng tingin. Biglang puminta ang labis na pagkagulat sa aking mukha kasunod ang matamis na ngiti. "Totoo po ba, 'Ma?" excited kong tanong na hindi na napigilan ang excitement doon. Tumango siya at ngumiti sa akin. "Oo, anak. 'Di ba nga pangako 'yon ng Papa mo sa 'yo. Isa pa, sabi niya para na rin daw hindi kalawangin 'yang talent mo sa pag-play ng piano." Napatawa pa si Mama ng bahagya sa huling sinabi. "Kalawangin talaga, 'Ma?" Natawa na rin ako. Sumaklob ang saya sa puso ko. Finally, magkakaroon na ako ng sariling piano. Matagal ko na 'yong pangarap noon pa man. "Tawagan mo na lang ang Papa mo kung may sasabihin ka." "Opo, 'Ma." Matapos kaming kumain ni Mama nagpasiya akong magpahinga na. Medyo nanakit ang mga binti ko kakalakad sa mall. Medyo pagod ang pakiramdaman ko kaya gusto ko nang humiga. Nang makapasok ako sa aking silid, lalong naging magaan ang pakiramdam ko at lalong bumulusok ang libo-libong saya sa akin. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga larawan ni Zhian na nakapalibot sa silid ko, sumasaya talaga ako at nawawala ang pagod na nararamdaman ko. Patalon akong humiga sa kama at niyakap ang unan na may malaking mukha ni Zhian. Kulang na nga lang pati cover ng kama, punda, at kurtina sa silid ko ay may mukha na niya. Naalala kong tatawagan ko pala si Papa para magpasalamat sa perang ipapadala nito pambili ng pianong matagal ko ng gusto. Nakangiting kinuha ko ang cellphone ko na nasa bedside table. Tinawagan ko si Papa at ilang segundo pa lang ay sinagot na niya iyon. "Hello, 'Pa. I miss you much po!" bungad ko sa kabilang linya. Narinig kong napatawa si Papa. "Aysus! Naglambing na naman ang little boy ko," aniya. "Pa, hindi na kaya ako, bata Matanda na ako, oh! Hindi na ako little boy," parang batang protesta ko. "Bakit parang bata 'yang boses mo?" "Ganito po talaga ang boses ko, 'Pa." "Sige, sige. Pero hayaan mo ng tawagin ka ni Papa ng little boy, ok?" Napa-pout ako. "Sige po," pagpayag ko at ngumiti. "'Pa, salamat po pala sa perang ibibigay mo para pambili ng piano na gusto ko," sabi ko sa medyo mahinang boses. "Ah! 'Di ba pangako ko sa 'yo iyon. Tinupad ko lang 'yong pangako ko. Isa pa, alam kong gusto mo talaga ang tumugtog ng piano. Bata ka pa lang alam ko ng magiging magaling kang pianista." Kahit 'di ko nakikita si Papa alam kong nakangiti ito at proud sa akin sa kabila ng tunay na kasarian ko na para sa iba'y hindi dapat. "Salamat po talaga, 'Pa. Hayaan mo po, pag-uwi mo tutugtugan kita ng paborito mong kanta ng Trio Band." "Talaga, 'nak? Tuloy lalo akong na-excite na umuwi para makita kang mag-piano." "Huwag kang masyadong excited 'Pa. Baka ma-disappoint lang kita." Noon pa man wala na akong believe sa sarili ko. Hindi ko man kasi idinideklarang magaling ako sa pagpa-piano. Ang alam ko lang, marunong ako. "Aysus! Ikaw pa ba, 'nak? Kailan mo ba kami dinisappoint ng Mama mo?" Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Papa bago tuluyang nagpaalam sa isa't isa. Nilagay kong muli ang cellphone ko sa bedside table at bumaling muli kay Zhian. Paano kaya kung mag-audition nga ako? biglang sabi ng isang bahagi ng isip ko. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ang mga posibilidad na mangyari kung mag-audition ako at matanggap. Umiling ako. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang unan ko at pumikit. – KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Napanaginipan ko pa na nag-audition daw ako para maging miyembro ng Angels Band at natanggap daw ako. Tuwang-tuwa pa raw ako. Napangiti na lang ako at hindi na iyon pinansin pa. Napailing na lang ako. Tumitig muna ako kay Zhian at ngumiti. "Good morning, Zhian." Lumabas ako ng silid at nadatnan ko roon si Mama na naghahanda na ng almusal. "Good morning, 'Ma," bati ko at umupo sa isang bangko sa paligid ng lamesa. "Ang aga mo atang nagising, 'nak?" Inilapag ni Mama ang fried egg sa lamesa. Kasunod ay nagtimpla ito ng kape para sa akin. "Napanaginipan ko po kasi na nag-audition raw ako para maging ikaapat na miyembro ng Angels Band. Natanggap pa raw ako at sobrang saya ko raw po." Hinalo-halo ko ang kape na nasa harap ko. Napailing pa ako. "Kakaisip mo lang 'yan kay Zhian, 'nak. O! Siya't mag-almusal na tayo," aya ni Mama at umupo na sa tapat ko. Nagsimula kaming kumain. "Dumating na pala 'yong perang pinadala ng Papa mo para sa pambili ng piano para sa 'yo," nakangiting pagbabalita ni Mama sa akin. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko at galak na galak na ngumiti kay Mama. "Totoo po? So, makakabili na tayo ng piano?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si Mama. Hanggang matapos kami sa pagkain ay hindi nawala ang masaya kong ngiti. Excited na akong magkaroon ng piano.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD