Kabanata 02

1261 Words
STAR "OKAY lang ba sa 'yo, 'nak na wala kang kasama sa concert na 'yon?" nag-aalalang tanong ni Mama. Sa linggo na ang concert ng Angels Band at sobrang excited na talaga ako. Halos hindi na nga ako makatulog sa gabi, e, na sana bukas paggising ko, concert na nila. "Okay lang ako, 'ma. Isa pa po, 'di ba sasama rin si Yeng sa akin. Kaya na po namin 'yon, huwag kayong mag-alala sa akin. Hindi naman po kami maliligaw papunta sa Mall of Asia Arena. Isa pa, marami akong makikilala roon na kapwa ko fans." Ngumiti pa ako at sumubo ng pagkain. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Ako ang nagluto dahil ramdam ko ang malakas na energy ng katawan ko. Naglaba na rin ako. Naglinis ng bahay. Ganito ako kasipag kapag inspire. "Malay ko bang baka magkagulo doon sa venue tapos maipit ka. Paano ka makakalabas doon? E, ang liit-liit mo kaya. Si Yeng naman ganoon rin, kaya paano kayong makakalabas doon." Sinimangutan ko si Mama. Minsan talaga, OA rin si Mama mag-isip, e. "Ma, hindi naman po magkakagulo doon. Syempre po, maraming securities doon. Isa pa, 'ma. Small but terrible ata 'tong anak mo," pagyayabang ko pa. Tiningnan ako ni mama at mayamaya'y ngumiti na rin. "Oo na, small but terrible ka na," pagpayag naman ni Mama. Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa matapos 'yon. Ako na rin ang nagligpit ng pinagkainana namin. – "OMG! Maigi ka pa nakabili ng VIP ticket," malungkot na sabi ni Yeng, sa mga huling sinabi. Naubusan daw kasi siya ng VIP ticket kaya ang nabili lang niya ay ang upper box A which is medyo malayo na sa entablado. Humigop ako sa shake na hawak ko. Nandito kami sa mall para maghanap ng Angels merchandise. Nabalitaan kasi namin na may bagong merchandise dito sa mall. "Ikaw kasi, e, kung sumama ka sa akin no'ng first day, e, 'di sana 'di ka naubusan." Napailing pa ako. "Alam mo namang hindi pa kumpleto 'yong pera ko no'ng first day ng ticket selling, e." Halata sa mukha niya ang inis. Parang 'di pa ata siya nakatulog dahil medyo namumugto ang mga mata niya. Kahit ako siguro ay maiinis kung ako man ang nasa kalagayan niya. Die hard fan din kasi 'tong si Yeng ng Angels Band. Ako pa nga ang dahilan kung bakit naging Wings din siya kagaya ko. Wings ang tawag sa fandom ng Angels. "Pero hayaan mo na, Yeng. Ang mahalaga makakapunta na tayo sa concert nila at makikita na natin sila, 'di ba?" Bumungisngis pa ako at hindi naitago ang saya at excitement. Ito ang matagal na naming plano ni Yeng, ang makapunta sa concert ng bandang hinahangaan namin. "Kung sabagay." Lumabi ito. "Ikaw, Star. Baka mahimatay ka roon kapag nakita mo si Zhian na malapit sa 'yo." Napangiti pa siya at tiningnan ako ng makahulugan. "Syempre hindi. Aba, kaytagal ko kayang hinintay 'to tapos mahihimatay lang ako? No! Susulitin ko ang mga sandaling malapit ako sa kaniya." Napapikit ako at bahagyang tumingala. Na-imagine ko na naman ang sarili ko na kaharap si Zhian. "Kidnapp-in mo kaya si Zhian 'no?" Napatawa si Yeng sa naisip. Bumalik ako sa kaniya. "Baliw! Para namang makakalapit ako sa kaniya. Baka nga ni mahawakan 'di ko kaya. Maraming securities ang nakaantabay sa kaniya, 'no." Umismid pa ako. "Joke lang." Bahagya pa niyang tinulak ang balikat ko gamit ang kamay niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang isang store doon na may iba't ibang merchandise. Napangiti ako ng sobra. Mangha akong lumapit sa mga 'yon. "OMG! Star, ang daming Angels Merchandise!" "'Yong pillow na may mukha ni Zhian." Dahan-dahan akong lumapit sa malaking unan na halos maging kasing-laki ko na. Ang gwapo talaga niya. Hinawakan ko ang malambot na unan at nagbigay 'yon ng sobrang saya sa akin. Ang cute kasi nitong unan. Kulay puti iyon na may malaking mukha ni Zhian habang nakangiti. Kinuha ko 'yon at agad kong niyakap. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataong ito. Bibilhin ko ang unan na 'to. Kinuha ko na 'yon at tumungo sa counter para bayaran ang malaking unan. "Star, grabi ka, ha? Iniwan mo ako." Sumunod na pala sa akin si Yeng. Hinarap ko siya habang suot ang matamis na mga ngiti. "Look," ani ko at niyakap pa ng mahigpit ang unan. Nanlaki ang mata ni Yeng. "Omo! Ang cute!" puri niya. "Nag-iisa na lang 'yan at maswerte ka na nabili mo agad ang unan na 'yan," nakangiting sabi ng sales lady na naroon. Nginitian ko lang ito ng ubod tamis. "Hindi ba't mahal 'yan?" Tumango ako. "Mabuti nga't nagdala ako mg extra-ng pera." "Tara na," yaya ko nang makapagbayad na kaming dalawa. Yakap-yakap ko pa rin ang unan na nabili ko. Ang swerte ko dahil may natira pang isang unan. Mug, cap, at t-shirt naman ang binili ni Yeng. Lahat 'yon may mukha ng Angels Band. Marami pa roong merchandise, kaya lang wala na akong sapat na pera para bumili ng iba pa. Sumakay na kami ng taxi at umuwi na. Halos magkalapit lang kami ni Yeng ng bahay. Minsan pa, napunta siya sa bahay para sabay kaming manoond ng mga videos ng Angels Band. – "O, ANAK. Ano 'yan? Sobrang laki naman ata ng unan na 'yan?" gulat na bungad ni Mama sa akin. Tinuro pa niya ang yakap kong unan. Hinarap ko kay Mama ang unan at tumambad sa kaniya ang malaking mukha ni Zhian. Tila nauwaan na niya agad kung bakit dala ko 'yon. "Kaya naman pala hindi na naman maawat 'yang mga labi mo sa pagngiti. Pero, cute naman ng unan na 'yan." Lumapit si Mama sa akin. "Pwede pahiram, 'nak?" Tinaasan ko ng kilay si Mama. "No! Akin lang po 'to, 'ma." Nag-pout pa ako at inilayo ang unan sa kaniya. Alam ko naman na nagbibiro lang si Mama. "Tsk! Pati ba naman sa akin, ipagdadamot mo 'yang si Zhian mo." "Akin lang 'to, 'ma. May papa ka na, e," sabi ko na parang bata. Natawa si Mama. "O siya, sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo at kakain na tayo. Baka agawin ko pa sa 'yo 'yang unan mo." Natatawang umamba pa si Mama na kukunin ang unan. Agad akong tumakbo palayo kay Mama. "Si papa na lang ang gawin mong unan," sigaw ko pa. Narinig ko naman ang pagtawa ni Mama. Nang makapasok ako sa aking kwarto. Tinitigan ko ang unan. "Mayayakap na kita kahit sa unan lang, Zhian," bulong ko. Hindi ko maiwasang hindi kiligin. Niyakap ko ng mahigpit ang unan habang nakapinta ang sayang nararamdaman ko lang sa tuwing naiisip ko si Zhian. "O, anak, kasama mo ba kanina si Yeng?" tanong ni Mama habang kumakain kami ng hapunan. Tumango ako. "Kumusta ang pinsan mong 'yon? Sabi ng Tita Tori mo, nagparaiyak daw iyon dahil naubusan ng VIP ticket para sa concert ng Angels Band." Sumubo si Mama at tiningnan ako. Kaya pala medyo namumugto ang mata ni Yeng kanina. "Nagmamaktol nga po sa akin kanina, e, pero okay naman po siya." "Mabuti naman kung ganoon. Basta mag-iingat kayong dalawa ni Yeng doon." Hindi ko alam kung nakailang paalala na si Mama simula nang makabili ako ng ticket. "Ano ka ba naman, 'ma. Syepmre, mag-iingat kami. Dapat makita namin ang Angels Band at hindi kami magpapapigil kanino man," puno ng determinasyong sabi ko. Ngumiti pa ako. Napatawa na lang si Mama at nagpatuloy na sa pagkain. Kung may pambili pa sana ako noon ng isa pang VIP ticket, ibibili ko rin sana si Mama. Gusto kong makita niya ang Angels Band, lalo na si Zhian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD