Kay siglang umaga, masarap na simo'y ng hangin mula sa silangan ang sasalubong sayo sa paggising mo sa umaga. Napabalikwas ako ng bangon at sumulyap sa binatana.
Ipinikit ko ang aking mata at nakangiting dinama ang hangin.
Naririnig ko sa buong paligid ang huni ng mga ibon.
Mga ibong nagsisikantahan sa sanga ng puno ng Aratilis.
Mga gintuang palay na masisilayan sa kaliwang bahagi ng aking bintana. Mga butil ng palay na kapag nasinagan ng araw ay nag nining-ning sa buong sakahan.
Mula sa aking teresa ay tanaw ko ang mga binatang nag-sisipagbuhat ng kani-kaniyang batya. Ang mga matitipunong nilang mga katawan ay nagpapa-alala sa akin sa'yo. Sa'yo na dahilan kung bakit napa rito ako sa nayong ito.
Sa nayong hindi ko malisan. Sa nayong hindi ko kayang makalimutan.
“Lola? Magkakatuluyan kaya sila?” wika ng aking apo sa gitna ng katahimikan ko.Hinaplos ko lamang ang pisnge nito at tipid na ngumiti.
“Siguro? Hindi sigurado ang Lola kung magkakatuluyan sila apo.” ani ko at dumungaw sa Teresa.
“Sa tingin mo Lola babalikan pa kaya siya?” kuryosong tanong nito.
“Walang makakapagsabi kung babalikan pa siya apo. Kung babalikan man siya, ay kailan at paano pa?” ani ko na kinakunot ng noo niya.
“Hindi ko po maintindihan lola.” ginulo ko ang buhok nito at pilit na ngumiti.
“Maglaro ka na lamang roon apo. Hinihintay ka na nila Trex.” ani ko at muling dumungaw sa Teresa. Hinawakan ako nito sa kamay at hinagkan ang aking pisnge.
“Lola, kung magkakaroon man ako ng lalaking hindi ako babalikan. Kahit anong mangyari, hihintayin ko siya dahil nangako siya. At panghahawakan ko po yung pangako niya. Dahil ang pangako ay pangako.”
- - -
“Zaichie! Zaichie!” rinig kong sigaw ng matinis na boses. Nasa alas kwatro pa lamang ng umaga at nagsisisigaw na ito. Kulang na lamang ay mag siliparan ang mga ibong nag-sidapo sa puno sa lakas ng boses niya.
Marahil ay napa-aga ang gising ng Tiya Tesa kaya narito ito upang maglabas ng inis niya. Naistorbo na naman ang mahimbing nitong tulog kaya ako na naman ang pagbubuntungan ng galit nito.
“Zaichie! Alam ko gising ka na!” naghihisterikal na sigaw nito. Nilingon ko lamang ang aking pintuan at muling dumungaw sa aking bintana. Kung papasukin ko itong pinsan ko ay manggugulo lamang siya sa loob ng kwarto ko at panigurado ay may gamit na naman itong masisira.
“Elisa, kung gusto mong pagbuksan kita ay manahimik ka muna at kumalma sa labas.” ani ko at inaabangan ang bukang liway-way.
Isinandig ko ang aking ulo sa gilid ng bintana at nakangiting pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan hudyat na masisilayan ko na ang haring araw.
Nanatili lamang akong tahimik hangang sa maging dilaw at pula na ang paligid ng kalangitan.
Tahimik ko lamang na pinagmamasdan ang kalangitan habang malayang nagsisiliparan ang mga ibon rito. Nagsisimula na ring dumampi sa aking mukha ang malamig na simo'y ng hangin.
Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat dampi ng hindi makitang ihip nito.
“Zaichie!” napamulat ako sa sigaw ni Elisa.. Marahil ay naiinip na siya sa labas ng kwarto ko.
"Oo nga pala! May dayo raw na naparoon sa bayan! Samahan mo na lang ako! Gusto ko makita kung ano ang hitsura nong bagong salta!” ani nito sa masayang tinig. Mukha maayos na ang mood ni Elisa. Kapag usapang dayo ay nagiging masigla ang mood ni'yan.
Naglakad na ako papuntang pintuan at binuksan ko ito. Nakasimangot itong tumitig sa akin at inismiran ako habang papasok ito ng aking silid. Padaskol itong naupo sa kawayan 'kong higaan.
“Ilang oras mo ako bago pagbubuksan Zaichie, ha?”
Naiiling akong sinaraduhan ang pinto at umupong muli sa may bintana.
“Samahan mo ako mamaya, Zaichie.Ha! Balita ko ay mula sa Siyudad ang binata! Mataas ang antas ng pinag-aralan 'non!” magiliw nitong wika na hindi ko binibigyang pansin. Masiado siyang nasasabik sa mga bagong salta sa lugar namin. At kabaliktaran naman ang nararamdaman ko, kapag may bagong pupunta sa bayan ay katumbas ng panibagong tahanan ko.Pakiramdam 'ko ay may pangyayaring hindi magugustuhan.
“Lilisanin ko na naman ba ang nayong ito?” rinig 'kong ani ni mama sa aking isipan. 'Yan ang huli 'kong narinig sa kaniya bago siya umalis.
“Uy! Zaichie?” ani nito na ikinalingon ko.
“Hmmmm?” walang emosyon kong saad.
“Samahan mo ako,ha. Hindi ako papayagan nila Mama kung hindi ka kasama! Alam mo namang mahigpit sa akin 'yun! Pero kapag kasama kita! Tiyak papayagan ako!” pagkukumbinsi nito na wari mo'y nakalabas na ako sa kubong ito.
“Elisa, alam mo namang wala akong hilig umalis ng bahay. Ako na ang magpapaalam para sayo. O di kaya sabihin 'kong may ipapabili ako sayo sa bayan?” suwestiyon ko rito.
“Zaichie naman ! Sige na! Pangako hindi kita pipiliting ilugay ang mahaba mong buhok! O di kaya hindi kita pagbibistadahin! Sige na Zaichie!” pagpupumilit nito. Bahagya pa niyang iniyugyog ang aking balikat.
Napakunot ang aking noo sa saad nito.
Wala akong maalalang nagsuot ako ng bistida o 'di kaya'y pinilit niya akong magbistida.
“Zaichie, sige na.”
Sa mga oras na ito ay hindi ko maipalaiwanag kung bakit napa-oo ako. Tumango na lamang ako bilang sang-ayon at sa sayang dulot ng desisyon ko, si Elisa ay napayapos sa akin ng mahigpit.
“Salamat Zaichie!” ani nito at patakbong lumabas ng silid ko.
Tumayo na lamang ako at naghanap ng komportableng masusuot.
Muli akong napadungaw sa bintana, namanghang pinakatitigan ang kulay berdeng paru-parong lumilipad papalapit sa akin.
Dumapo ito sa bandang balikat ko at muling lumipad patungo sa kahong nakalagay sa ibabaw ng aking damitan.
Naaalikabukan na ito dahil sa tagal ng hindi 'ko ginagalaw ang lalagyan nito.
Walang pag-aalinlangan ko itong kinuha at binuksan. Tumambad sa akin ang kulay berde at kahel na bistida. Marahil ay isa ito sa mga damit na bilin ni mama. Inilabas ko ito mula sa kahon. Parang ipinasadya sa akin ang sukat nito.
“Zaichie! Maligo ka n—” naputol ang sasabihin niya ng makita ang bistidang hawak ko.
“Hala! Zaichie! Ang ganda!”
“Pwede ko bang hiramin 'yan! Hindi mo naman isusuot 'yan hindi ba?” ani nito na hindi ko alam kung bakit may bumubulong sa akin na huwag ipahiram.
“O sige.” wala sa sariling pagsang-ayon ko. Siguro ay hindi 'ko naman ito magagamit dahil hindi rin naman ako lumlabas ng Kubo.
“Salamat!” ani niya at lumabas na ng silid ko. Pinakititigan ko ang sarili ko sa salamin , inilugay ang itim at mistulang mahabang kong buhok.
Hindi ko maiwasang mamangha sa sarili kong imahe. Ngunit, wala akong lakas ng loob upang lumabas at ipakita ang sarili ko sa maraming tao. Kung lalabas man ako ay ano namang gagawin ko roon?
Anong pinagkaiba ng labas, sa loob ng tahanan ko? Mas tahimik pa nga ang aking silid kumpara sa malawak na espasyo ng Aerinza.
Ayokong makihalubilo sa kanila....
Pakiramdam ko ay huhusgahan nila ako sa nakaraan na meroon ang aking ama't ina.
“Zaichie. Hindi magkasya sa'kin.” wika niya habang nakatitig sa bistida na hawak niya. Dali-dali kong itinali ang aking buhok at isinuot ang makapal kong salamin. Isinuot ko rin ang pula kong balabal na palagi kong ipinangtatabon sa aking mukha.
“Maliligo lang ako saglit.”
Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya at mga kagamitang panligo.
“Zaichie, sa tingin ko. Maganda ka talaga. Maganda rin naman lahi natin. At dinig 'ko ring, napakaganda ng mama mo. Bakit mo naman ikinahihiya ang mukha mo?”
Napatigil ako sa paglalakad. Tipid akong ngumiti at nakatalikod na nagsalita.
"Hindi sa kinakahiya ko, Elisa. Hindi ko lang gusto na husgahan ako ng mga tao sa paligid ko sa nakaraan nila mama. Hindi 'ko rin sinisisi sila mama sa pagkakamali na mayroon sila sa nakaraan. Ayoko lang na may marinig at may malaman ako, baka hindi ko kayanin.”
“Kung magpapaapekto ka sa kanila. Zaichie, paano ka sasaya? Habang buhay ka na lang ditong mananatili sa kwarto mo? Sa tingin mo hindi mo ba malalaman ang lahat? Hindi maitatago nang matagal ang sikreto Zaichie.”
“Bakit hindi mo subukang..”
“Subukang?” ani ko na napaatras.
Lumapit ito sa akin at tinitigan ako sa mata.
“Subukang tanggalin ang salamin na 'yan.” Kinuha niya ang salamin na suot ko. Napapikit ako sa paghigit niya roon.
Hindi ako nagreklamo dahil gusto ko na rin namang malaman ang reaksyon ni Elisa kung makikita niya ang itsura ko.
Napatakip ito sa kaniyang bibig at napakurap-kurap.
“Ang.. ang ganda ng mata mo Zaichie.” tanging ani nito habang nakatitig sa'kin.
Sunod niyang kinuha ang aking balabal na nakatakip sa kalahati ng aking mukha. Nakatulala itong napatitig sa'kin.
“Kamukha mo 'yung.. yung nasa larawan ni lola!”
“Si Zamira? Yung kaibigan ng anak ni Lola? ” tanong ko sa kaniya. Napatango ito at sabay hila ng nakapusod kung buhok.
“Napakaganda mo naman pala Zaichie!” muli niyang saad at umikot-ikot pa sa gilid ko. Hindi makapaniwalang tinititigan ako nito.
Naiilang ako sa uri ng titig niya kaya't minabuti 'kong kunin agad ang salamin at balabal ko. Mabilis 'kong ipinusod ang aking buhok at mabilis na na tinahak ang banyo.
Nang matapos ako sa pagligo ay agad 'kong isinuot ang aking salami't balabal.
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad agad sa akin si Elisa.
Nakataas ang isang kilay nito at pinaningkitan ako ng mata.
“Ba..bakit?” kinakabahan kong tanong at umiwas ng tingin.
“Anong bakit? Sa ayaw at sa gusto mo lalabas ka ng bahay na hindi mo suot 'yang mga 'yan!” naiirita nitong ani at hinila ako papasok ng silid ko.
Nakapameywang itong nakatingin sa akin habang nakaupo naman ako sa higaan ko.
“Zaichie, please. Pagbigyan mo na ako!”
"Paano 'kung magtaka sila? Paano kung husgahan nila ako? Elisa, ayoko!”
"Zaichie, hindi ko alam kung anong ikinatatakot mo ha! Pero kung huhusgahan ka 'man nila! Ay sila ang mali! Walang mali sa mukha mo Zaichie! Anong kinatatakot mo?”
“Hindi mukha ko ang mali! Ang pinagmulan ko Elisa.”
"Pero, Zaichie... Wala.. wala namang mawawala kung susubukan natin hindi ba?”
"Sayo, walang mawawala Elisa. Sa akin? Marami...”
“Paano mo naman na sabi 'yan? Hindi mo pa nga nasusubukan, Zaiche.”
“Nasubukan mo na 'bang lumabas at makita ang mga tao sa labas? Nasubukan mo na 'bang pakinggang ang mga ayaw 'mong marinig mula sa kanila?”
Umupo ito sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. Hinagod niya ito at niyakap ako.
“Hindi ko alam kung anong meron sa nakaraan ng magulang mo.”
“ Pero, Zaichie. Ikaw ay ikaw. Kung ang mga magulang mo man yung may mali.”
“ Hindi ibig sabihin sayo dapat nila ibalik 'yun. Kung hindi kalalabas rito at ikukulong mo ang sarili sa bagay na ikanatatakot mo. Ikaw ang talo, Zaichie.”
“Zaichie, gusto ko na matamasa mo kahit isang beses ang saya sa labas ng kubong ito.” ani nito sabay hawak sa mga alad ko.
Napatigil ako at sandaling napalingon sa labas ng bintana. Anong pakiramdam ng nasa labas?
“Elisa?”
“Oh?”
“Anong pakiramdam ng lumabas at makasalamuha ang ibang tao?”
“Masaya ba?” ani ko habang nakatitig sa labas.
“Masaya? Hindi ko din alam. Zaichie, ikaw lang makakasagot n'yan kapag nasubukan mo nang lumabas rito. Sa tahanang nakasanayan mo.”
“Kapag ba lumabas ako? Ayos lang ba? Hindi ba sila magsasabi ng kahit ano?”
“Oo naman, ayos lang. Hindi naman nila pagmamay-ari ang mga paa mo.At kung magsasabi man sila ng kung anu-ano. Narito lang ako! Hindi ko hahayaang pagsalitaan ka nila ng masama!” ani nito sabay yakap ng mahigpit.
“Isa pa Zaichie, hindi naman natin sila mapipigilan sa gusto nilang sabihin. Ang mainam mong gawin. Ay huwag na huwag mo silang pakikinggan."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at naglakad patungo sa harap ng salamin. Dahan-dahan 'kong inalis ang salamin 'ko at tinanggal ang pulang balabal. Inilugay ang buhok ko at naluluhang pinagmasdan ang sarili.
Tumabi si Elisa sa'kin sabay bulong.
“Kamukha mo siguro ang mama mo.”
“Yung bestida na 'yun isuot mo hihintayin kita sa labas.” ani niya at lumabas na ng silid.
Isa sa mga dahilan kung bakit pilit kong tinatabunan ang aking mukha ay dahil kamukha ko raw si mama.
Kung tama ang pagkakatanda ko maraming masamang pangyayari ang naganap dahil sa mukhang ito.
Malaki ang pinsalang naidulot ni mama sa bayang ito, kaya ayokong lumabas at ayoko rin na makarinig ng kahit anong panghuhusga mula sa kanila. Hindi ko alam ang buong kwento. Ngunit, pakiramdam ko ay hindi ko gugustuhing malaman kahit isang katotohanan patungkol sa kaniya.
“Elisa, ayos na ba 'to?” tanong ko sa kaniya sa labas ng pintuan. Pumasok ang naka asul na babaeng may mahabang buhok rin ito.
“Bagay na bagay sayo, Zaichie. Halika na.” inakay niya ako palabas ng bahay.
Nanginginig ang mga labi ko habang papalapit kami sa pintuan.
Mabibigat ang bawat hakbang ko patungo sa pintuan ng kalayaan. Ano kaya ang tanawin sa labas ng kubong ito.
Halos labing tatlong taon rin akong hindi nakalalabas. Hindi ko na rin matandaan ang huling tapak ko sa damuhang bahagi ng Aerinza.
Nang buksan ni Elisa ang pinto ay bahagya pa akong nasilaw. Napapikit pa ako sa maliwanag na kalangitan. Sana'y ako sa sinag ng araw mula sa bintana ko.
Pero iba pa rin pala kapag sinag mula sa labas ng pinto!
Iba pala ang pakiramdam kung narito ka na at nakatapak sa tanawin na sa malayuan mo lang na tinatanaw.
Naluluha kong inilibot ang aking paningin.
Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa oras na ito.
“Zai..Zaichie..” ani ni Elisa. Nilingon ko ito nag-aalala ang uri ng titig niya. Umiling ako at niyakap siya.
“Salamat! Salamat, Elisa!” saad ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Kumawala ako sa pagkakayakap at agarang naglakad patungo sa kumpol-kumpol na mga rosas. Inamoy ko ang bawat talulot nito.
“E..Elisa! Ang ganda! Mas maganda sa dinadala mo sa akin ka da umaga!”
Tumakbo ako sa fountain sa gilid ng halamanan.
“Ang lamig!” ani ko ng inilublob ko ang aking kamay sa tubig.
Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi habang tinatampisaw ang aking mga kamay sa tubig.
Napatingin ako sa paligid at nakitang nakatingin sa akin ang lahat. Nag-uumpisa silang magbulungan at hindi ko nagugustuhan ang ingay ng bulungan nila.
Gusto kong bumalik sa loob ng kubo at magtalukbong ng kumot. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanila. Pakiramdam ko ay hindi nila ako gustong makita.
Agad akong napatayo at nilingon si Elisa.
Bakas ang takot sa aking mga mata at siguro ay napansin iyon ni Elisa kaya'y lumapit siya at agad na nagsisigaw.
“Anong tini-tingin niyo jan! Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda! HA!” ani ni Elisa na nagsialisan sila. Ang iba sa kanila ay may kakaibang titig bago sila tuluyang magsilaho.
“Ayos ka lang ba?” ani niya at napatango naman ako.
“Masana'y ka na Zaichie. Araw-araw kitang ilalabas sa kulungan mo! Araw-araw tayong tatakas!” tumatawang ani niya sabay hila sa akin papalayo sa bahay.
“Tatakas? Anong ibig sabihin mo Elisa?!”
“Mamaya ka na mag-isip ng kung anu-ano! Basta ngayon gagala tayo!”
“Elisa, baka mapagalitan ka ha.”
“Bakit naman ako papagalitan ka kung kasama kita! Hmmmmm?” magiliw na saad nito habang naglalakad kami.
Malayo pa ang tarangkahan mula sa kubo kung tinitirhan. Inilibot 'kong muli ang aking paningin at kapansin-pansing ang malinis na paligid at tahimik na kapaligiran.
“Elisa, bakit walang kahit isang pumapalagi rito? Bukod roon sa mga taong nakita natin kanina ay wala na akong nakikitang naglalakad-lakad rito.” tanong ko rito habang patuloy na naglalakad.
Pinitik nito ang noo ko at nakangiting nagpatuloy sa paglalakad.
“Kung gusto mong malaman kung bakit, dapat palagiin mong lumabas. Simula ngayon Zaichie. Hindi ka na magkukulong sa kubo! ” saad nito at lumingon sa akin na may ngiti sa labi.
“Marami ka pang malalaman sa labas Zaichie. Yung mga tanong na hindi mo masagot ay masasagot ng kahit na sino sa labas ng kubo mo, no!” wika nito.
“Pero, sa sandaling may malaman ka. Sana ay ganito pa rin ang ugali mo. Sana'y ganito pa rin kaamo ang mukha mo.” malungkot nitong ani na diretsyo ang tingin sa harapan ng nilalakaran namin.
Nang marating namin ang tarangkahan ay sumeryoso ang mukha ni Elisa. Walamg emosyon ang mababakas sa mukha nito.
"Senyora Elisa, saan 'ho kayo pupunta?” tanong ng isang matangkad na ginoo.
“Sa bayan lang.” tipid niyang saad at inakay ako palabas.
“Hindi ka pwedeng lumabas ng Hacienda Aerinza binibini. Hindi kami pamilyar sa hitsura mo.” wika ng lalaki na nakatitig sa akin.
“Senyora Zachiela Myrha Aerinza ang pangalan ng babaeng hindi niyo papayagang makalabas.” nakataas na kilay na saad ni Elisa na ikinalaki ng mata ng dalawang guwardya.
“Patawad Senyora.” tangin ani ng mga ito saba'y yuko ng kanilang ulo.
Hinila na ako ni Elisa at nagmamadaling naglakad palayo.
“Elisa, sinong Zaichiela Myrha Aerinza ang tinutukoy mo?”
“Haysss! Wag ka na magtanong Zaichie!”
“Bueno! Para! Senyor!” ani niya sa isang sasakyang may kabayo sa harapan.
Napakurap-kurap ako ng maglaan ng hagdanan ang ginoo at umakyat si Elisa roon.
"Hayss! Zaichie sakay na!"
"Ha? Ha?” walang ideya kong wika at napakurap-kurap na naman.
Bumaba si Elisa at inalalayan ako paakyat ng sasakyan.
"Ano ba 'yan Zaichie. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sayo!” natatawang ani nito at pinitik ang noo ko.