Andito kami ngayon sa loob nang silid aralan, napansin naming walang tao at puro gamit lang ang nandito. " Asan kaya si bhest at Kaijoo lam ko dumeretso yung dalawa dito. " usisa ko " Baka may binili " at naglakad na ito papunta sa bangko nya. " Siguro nga, hmm Van pumunta pala kanina sa amin yung lagi mong kasama na lalaki nung nasa bahay mo ako, hindi ko kasi alam name, saka inabot sa akin yung damit " kwento ko habang tinutupi ang gown. " Buti naman at nagustuhan mo " wika nya habang nakayuko at nakangiti. " Wag mong sabihing ikaw ang bumili? " gulat ko nang magka idea kung sino nagbigay nito. Pero tanging ngiti lang ang ibinigay na sagot sa akin. Lumapit ako dito saka umupo sa harap nya para masilip ang gwapo nyang pagmumukha. Nagulat pa ito nang makitang nasa harap na nya a

