Chapter 35 JASMINE Kung hindi ko lang sana siya inaway noon ede sana kilala niya pa ako. "She is your wife, Mike," agad na wika ni Daddy Sam at lumapit sa amin. Nagulat kami parehi ni Mommy sa sinabi ni Daddy Sam. Si Mike naman ay nagulat din. "What!?" "Honey? Shot up! Baka hindi ito ang panahon para sabihin mo sa anak natin." saway naman ni Mommy kay Daddy. Hindi makapaniwala si Mike sa narinig at naguguluhang nakatingin sa mga magulang niya. "At kailan niyo balak sabihin sa kaniya na asawa niya si Jasmine? Mabuti na 'yong malamaman niya na may asawa na siya. Para aware siya maghanap ng mga chix!" determinadong saad ni Daddy Sam. "What are you saying, Dad? A.. Asawa ko ang babaeng ito? Nagbibiro ka ba, Dad? Hindi nakakatawa." Parang punyal ang mga tanong ni Mike sa Daddy niya

