Episode 31

1745 Words

Chapter 31 Jasmine Habang humahagulhol ako ay may isang doktor ang lumabas. "Sino ang kamag-anak ni Mr. Buenaventura?" tanong ng doktor. Kaya bigla akong napalingon at kumalas sa pagakayakap sa labi ni Mike. "Ako ang asawa niya dok! Buhayin niyo ang asawa ko! Pagalingin niyo po siya. Buhayin niyo siya!" hestirical kong wika sa doktor. "Kumalma po muna kayo, Misis," ngiti pa niyong wika sa akin. "Kumalma? Paano ako kakalma, eh pinatay niyo ang asawa ko! Tapos sasabihin niyo kakalma ako!?" wika ko sa doktor. "Mrs. Successful ang operation ng asawa ninyo. Kaya ligtas na siya," sabi pa ng doktor. "Ligtas? Paanong ligtas? Eh! Nakahimlay siya riyan!?" sabay turo ko sa labi na niyakap ko kanina. Kumunot naman ang noo nang doktor. "Nasa loob po si Mr. Buenaventura. At iyan po ay na-st

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD