Chapter 74 Jasmine Nang makita ni Mike ang bukol sa noo ni Josh ay agad niya itong pinuntahan at masama ang tingin niya sa akin. ''Ano ang nangyari sa bata, Jasmine?'' madiin niyang tanong. Ngunit may pagtitimpi. Hindi agad ako nakaimik at si Nathaniel na ang sumagot. ''Daddy, nahulog po si Nathaniel sa kama. Sorry po hindi ko po napansin na umakyat siya sa kama. 'Wag niyo po awayin si Mommy kasi pinaglutuan niya po kami niya,'' sabi ni Nathan. Malalim siyang nagbuntong hininga at kinarga si Josh. ''Kskkkk..ksskkk.. Pinabayaan ka na naman ng ina mo,'' sabi nito sa bata at tumalikod. ''Hali na kayo, sa labas na tayo kumain.'' Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko at maya pa ay iniligpit ko na lang ang sunog na bangos na nakahain sa mesa. Pagkatapos ay sumunod ako sa sala. Naabutan

