Chapter 70 Jasmine Makalipas ang dalawang araw na pamamalagi namin ni Bioly sa Tagaytay ay naging maayos naman kami ni Bioly sa apartment. At sa dalawang araw namin roon ay wala kaming tawag na natanggap mula sa mga asawa namin. Kaya naisip ko na wala na talagang pakialam sa akin si Mike. Tinanggap ko sa sarili ko na hindi ko na dapat ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya. Maaga pa akong nagising para mag-ehersisyo. Ang ganda ng ehersisiyo ko sa labas nang may dalawang sasakyang biglang huminto sa tapat ng gate. Sakto naman ang paglabas ni Bioly para magpahangin. Medyo namumula na ang mga labi niya dahil lagi ko siyang pinapakain ng prutas at nag-o-order na lang kami ng pagkain dahil pareho rin kaming hindi marunong magluto. "Mukhang may bisita tayo," sabi naman ni Bioly. Pareho kamin

