Chapter 112 Jasmine Habang ngtutugtog ay dumako ang tingin ko sa labas. Nakita ko na kaparehang isinayaw ni Mike ang magandang babae kanina na si Rosset, si Steavan naman ay kasayaw si Samantha. Nakahawak si Mike sa beywang ni Rosset at si Rosset naman ay nakahawak sa dibdib ni Mike. sumayaw sila sa tugtog na ( Sana kahit Minsan ay Mapansin ako) Bigla ko naman naalala ang mga panahon na isinayaw niya ako at gumastos pa siya ng limang milyon para lang maisayaw ako. At ang awiting tumutugtog ngayon ay iyon ang lagi kong inaasam noon na sana ay mapansin niya rin ako dahil sa ipinapakita niyang panlalamig sa akin noon. Naputol ang pagmuni-muni ko ng magsalita si Jean. ''Akalain mo nga naman na matapos nilang maghiwalay ngayon ay parang wala na lang sa kanila ang nangyari.'' Tumingin

