Chapter 109 Nang nasa silid na ako namin ni Mike ay nahiga ako. Kinatok naman niya ako. "Jasmine, Honey, please let us talk," pangungulit niya sa akin at kinakatok ang pinto. Minabuti ko na lang na tumayo at pagbuksan siya. Pagbukas ko ng pinto ay agad naman ako bumalik sa kama at naupo. Agad naman siyang pumasok at humarap sa akin. ''Bakit umalis ka na naman na walang paalam sa akin? Pinag-alala mo ako palagi,'' umupo siya sa tabi ko ngunit umurong ako. ''Dapat nga bumalik na nga ako sa Manila, eh! Iniwan mo ako roon sa palayan. 'Yon pala may kinakatagpo ka riyan sa batis,'' hindi ko na mapigilan ang sarili ko at pinagpapalo ko na siya ng unan. Hinaharang niya naman ang kaniyang braso. ''Honey, please lets me explain.'' ''Explaine mo 'yang mukha mo! Hindi pa ba ako sapat sa 'yo,

