TIGER JOHN FALCON

205 Words
“Nagseselos ako Ailee,” sabi niya. Napatingin ako kay Tiger na nakaupo sa tabi ko habang nagbabasa ng libro. “Nagseselos din ako,” sabi ko at binaling na lang ang tingin sa tv. Napatikhim siya saka inayos ang salamin niya sa mata. Isinara niya ang libro niya at inilagay yon sa mini table. Hinawakan niya ko sa balikat at pinaharap ako sa kanya. Nag-init ang pisngi ko, ang gwapo lalo ng boyfriend ko sa malapitan. “A-Anong gagawin natin? Nagseselos tayo pareho,” tanong ko. Nagseselos siya sa kaklase ko na si Henry, nagseselos naman ako sa kaibigan niya na galing America, si Xiara. Ang liberated non masyado. Nakakairita siya. “Iwasan natin sila. Deal?” tanong niya na para bang nagc-close siya ng business deal. “Deal," sagot ko. Nagkamayan kaming dalawa. Jusmio, magjowa ba talaga kaming dalawa?! “Can I kiss you?” tanong niya na parang nanghihingi lang siya ng yosi sa tropa niya... Pero in the end papayag din naman ako. “O-okay.” Dinampian niya ng halik ang labi ko. “Thank you," sabi niya at kinuha na ang libro niya saka nagbasa na ulit. “Y-you're welcome,” sabi ko na lang. Hindi talaga kami normal dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD