Chapter 25: Black Blood Sword

2321 Words

Mukhang isang Spellcaster ang makakalaban ko base sa itsura nito. Wala syang weapon na dala at malakas ang kutob ko na isa itong Range-type. Nasa 28-30 years old na sya. Nakatitig sya sa 'kin at nakangiti na parang nang-aasar. "Kung gano'n, ikaw pala ang tinatawag na Black Swordman..." aniya. "At mamaya pala'y ako na ang Rank 12 Hero sa buong Game." Masyadong kampante 'to at 'di ko gusto ang tabas ng dila. Pasimple akong ngumiti, "Minamaliit mo yata ako, Sir?" Tumawa lang sya, "Hindi naman sa gano'n. Alam ko namang malakas ka... pero kung ikukumpara ko ang aking sarili kay Zac Humpries... Hahaha! Hamak na mas malakas ako sa baliw na 'yon. 'Di kaya'y sinwerte ka lang bata?" Naasar ako sa mga sinabi nyang 'yon. Harapan na ang pagmamaliit nito sa 'kin. Nainis ako... dapat na 'tong simulan

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD