Chapter 32: The Ancient Mummies and the Maximillian Pharaoh

1529 Words

"Nasaan ang iba nating kasamahan?" tanong ni Nigito nang mapunta sila sa isang panibagong Battle Arena. Nasa gitna na sila nito at napapalibutan ng maraming sinaunang uri ng kabaong. Tanging siya, si Asuna, si Maki, si Natsu lamang ang napunta sa lugar na iyon at wala silang ideya kung saan napunta ang iba nilang kasamahan. "Welcome to the fourth round!" Matapos nilang marinig iyon ay sabay-sabay na bumukas ang nasa apatnapung mga kabaong na nakapalibot sa kanila, maliban lang sa isang nakatayong kabaong sa kabilang dulo. Iyon ang pinaka-kakaiba sa lahat. Yari kasi ito sa ginto, may mga letra at imahe pang nakasulat dito, parang Heiroglyphics kung titingnang mabuti. "Mukhang bago natin alamin ang nangyari sa mga kasamahan natin ay mukhang may dapat muna tayong intindihin," wika ni Natsu

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD