Chapter 4: His Little Sister, Yuri

1750 Words
ISANG batang babaeng archer ang bumungad sa harapan ni Nigito. Nakasuot ito ng armour, litaw ang pusod at nakapalda ng lampas tuhod. Nakasuot din ng itim na boots at may nakasukbit sa likod na mga palaso. Nakapusod din nang maayos ang buhok nito at napaka-cute. Medyo nagtaka nga lang si Nigito dahil sa pagkakaalam niya, ang avatar body ay nakadepende sa edad ng nagmamay-ari nito. Ang ilang mga nasa edad na 40 pataas ay may chance na mabigyan ng mga malalaking uri ng avatar pero ang pagkakaroon ng batang avatar ay mukhang imposible lalo na't 15 years old pataas ang required age para sa game na ito. "Kuya! Sorry po! Ako po si Yuri! Eight years old pa lang po ako," sabi nito kay Nigito. Naisip naman ni Nigito na baka nililinlang lang siya nito kaya nag-ingat din siya. "Oo nga at bata ang itsura mo. Pero alam naman natin na bawal ang below 15 sa larong ito. Kaya, paano mo iyon maiipaliwanag?" tanong nito kay Yuri. "Totoo po ang mga sinabi ko. Hinahanap ko nga po ang ate ko. Matagal ko na po siyang hinahanap kaso mukhang wala po siya rito. Tulungan mo po ako kuya!" maamong tugon ni Yuri. Hindi tuloy maiwasan ni Nigito na pakinggan ang bata dahil mukhang nakakaawa ito. Hindi pa rin nga makapaniwala si Nigito sa mga nangyayari nang mga oras na iyon. Ikin'wento naman ni Yuri ang alam niya. Nakapasok daw skya sa laro dahil napahawak siya sa ate niya nang mag-transmit ito rito. Nangyari raw iyon noong November 13, pagkatapos nilang mananghalian. Pati raw ang ate niya ay hindi rin maipaliwanag kung paano iyon nangyari. Nagkahiwalay daw sila ng ate niya nang maligaw siya sa isang malaking village. Naghintay daw siya pero mukhang hindi siya mahanap ng ate niya. Kaya naglakbay raw siya at aksidente siyang na-teleport sa islang ito. Mabuti na lang daw at may konte siyang nalalaman sa larong ito kaya naka-survive siya kahit paano. "Nagsasabi po ako nang totoo, kuya..." sabi pa ni Yuri at napabuntong-hininga si Nigito. "Oh sige, naniniwala na ako. Pero teka... Ano ba'ng IGN ng ate mo?" tanong ni Nigito. "Ahmm... Kuya, nakalimutan ko na po eh. Dehehe!" sagot ni Yuri at natawa pa. "Naku! Mahirap ito. Paano natin mahahanap ang ate mo kung wala kang info tungkol sa kanya?" "Aksidente ko po kasing na-delete ang data ni ate. Eh, makikilala ko naman po siya 'pag nakita natin siya. Dehehe! Ibig sabihin po ba, tutulungan mo ako kuya?" Wala nang nagawa si Nigito kundi pumayag, ayaw naman niyang maiwan mag-isa ito sa gubat.  Napaisip din siya Nigito kung may kinalaman kaya 13-13-13 incident ang pagkakapasok ni Yuri dito. Isa pa, nang makita niya ang full IGN nito ay parang pamilyar sa kanya ang Shitomi kaso hindi niya maalala kung saan at kailan niya iyon nakita. Makulit at magulong kasama si Yuri, talagang isip-bata. Siguro ay bata nga talaga ito, wika pa ni Nigito sa sarili. Tiningnan din niya ang Items ni Yuri. Meron itong isang Wraith Band, Boots (+50 Movement Speed), Iron Wood (+1 to STR, AGI and INT) at 10 Healing Salves. Meron rin itong 565 coins. Hindi nga siya makapaniwala na tumagal ito na ganito lang ang items. "Level 5 ka na, pero iyan pa lang ang items mong dala?" wika ni Nigito. "Hindi ko po kasi kuya alam ang dapat kong bilhin. Healing Salve lang ang alam ko at yung ibang items ay si ate pa ang bumili. Dehehe! Pero ngayon ay magpapaturo po ako sa inyo kuya!" tugon ni Yuri. "Madami ka na bang natalong monsters? Kasi level 5 ka na. Marami-rami ring EXP ang napuno mo siguro!" sabi ni Nigito at naupo sila sa tabi ng puno pansamantala. "Noong napadpad ako rito ay level 5 na po ako. Si Ate ang tumulong magpa-level sa akin. Dehehehe!" "Ha? Talaga? Gaano ka na ba katagal dito?" natatawang tanong ni Nigito. "Magdadalawang buwan na po ako kuya! Dehehe... Hindi nga po ako nakikipaglaban sa mga monster," nakangiti namang tugon ni Yuri. Mukhang dapat na nga talagang ampunin muna pansamantala ni Nigito si Yuri upang turuang mag-quest. Pinakilala na rin niya ang kanyang sarili rito. Sabi pa nga ni Yuri na sana ay makilala ni Nigito ang ate nito dahil bagay raw silang dalawa. Tatawa-tawa naman na parang timang ang binata dahil doon. Tinanong rin niya si Yuri kung bakit hindi raw subukan nito na mag log-out sa HQO. Sagot naman nito na wala na raw lumalabas na log out button sa screen. Iyon rin ang ipinagtataka ni Nigito, hindi rin naman alam ng bata ang dahilan kaya alam niyang wala syang malalaman mula rito. Naisip na rin niya na baka dahil sa nangyari sa real world na gaya nga ng sabing hindi na makakalabas maliban na lang kung mapupuksa ang sinasabing virus na sumira sa game's system. "Ganito ang gagawin natin Yuri... Bago natin hanapin ang ate mo ay magha-hunt muna tayo para tumaas ang level mo. Para kapag nagkita na kayo ay tiyak na magugulat siya. Okay ba yun?" wika ni Nigito. "Dehehe! Sige po kuya Nigito. Basta ba na tuturuan n'yo ako. Takot kasi akong makipaglaban mag-isa sa mga monsters. Sabi pati ni ate na 'wag daw akong lumaban mag-isa." "Pero dahil may kuya na akong kasama eh.. Hindi na ako mapapahamak! Dehehe!" May halo pang pagyayabang na wika ni Yuri dahil pinagsisipa nito ang isang malapit na puno. Napatawa tuloy si Nigito. "Ang kulit mo! O sige, ako ang bahala sa iyo. 'Pag kasama mo ako ay hindi ka mapapahamak... Promise ko 'yan! At pagkatapos ay hahanapin na natin ang ate mo!" Nag-thumbs up pa si Nigito bilang patunay na gagawin niya iyon. Ipinatong ni Nigito ang isang kamay niya sa ulo ni Yuri at ngumiti. Nagpasalamat naman ang bata sa kabaitan niya at nangakong tutulungan siya sa panliligaw sa kanyang ate sa sandaling mahanap nila ito. Natatawang tinanggihan ito ni Nigito pero pinilit pa rin siya nito kaya pumayag na rin siya. MAGKASAMA at masaya silang naglakad at nag-explore sa isla. Naghanap na rin sila ng mga makakalabang monster. Ito ang unang beses na nagkaroon si Nigito ng makakasama sa questing, si Yuri na isa raw bata. Kasalukuyang nga na nakikipaglaban sina Nigito at Yuri sa isang level 4 monster. Hindi na ito makahirit sa lakas ni Nigito na isa nang level 7. "Ngayon Yuri... I-last hit mo na bago pa makatakas!" sambit nito kay Yuri. "Opo kuya!" Seryosong inasinta ni Yuri ang monster gamit ang pana niya. Tinamaan ito ng bata at natalo ang monster. Mas kaunting EXP at coins ang nakuha ni Nigito kumpara kay Yuri. Pero sinasadya ito nito upang mas mabilis na mag-level si Yuri. "Wow! Kuya, kita mo ba 'yon? Ang galing ko! Dehehe!" puri ng bata sa sarili. "Oo nga! Marami pa pati tayong makakalaban... Kaya dapat maging alerto ka sa lahat ng oras. Titigil tayo ng isang buwan dito para magpalevel at pagkatapos ay hahanapin na natin ang ate mo," pahayag ni Nigito. Nagpatuloy sila sa pag-hunt ng mga monster at sa tulong ni Nigito ay nagawa ni Yuri na pataasin ang level nito. Ang dating level 5 ay naging 6 na. Tinuruan din niya ito sa pagbili ng mga tamang items.  "Wow! Ang galing mo talaga kuya! Level 6 na ako, may Power Threads (+50 Movement, +20 Attack Damage, +10 AGI), dalawang Wraith Band at konteng ipon na lang at mabubuo ko na rin ang Vanguard tulad niyang nasa iyo! Dehehe! Ang galing..." masayang wika ni Yuri. "Nakakatuwa ka talaga. Hayaan mo dahil bago tayo umalis sa islang ito ay may malalakas ka nang items at mas mataas na level." "Excited na ako kuya. Tiyak na magugulat si ate 'pag nagkita uli kami. Dehaha!" Bumungisngis si Yuri at napayakap sa baywang ni Nigito. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalong naging malapit kay Nigito si Yuri. Nag-iisang anak lang kasi siya at hindi naranasang magkaroon ng kapatid. Marahil ay nakikita niyang masaya pala 'pag may nakababatang kapatid. Kapatid na tatawagin siyang kuya at siya naman ang magtatanggol dito. Hindi niya hinahayaan na mahirapan si Yuri. Lahat ng alam niya sa HQO ay sinasabi niya. Mas matami man ang oras nila sa pagpapataas ng level ay hindi pa rin naalis sa kanila ang pag-eenjoy. Iniisip nila na nasa real world pa rin sila. May oras pa rin sila para maglibang, mamasyal at nakikipaglaro rin si Nigito kay Yuri upang mas lalo itong sumaya. "Alam mo kuya, noong nasa amin pa ako. Lagi ring nakikipaglaro si ate sa akin kahit hindi na siya bata. Hindi rin niya ako pinapapabayaan tulad mo. Mabuti na lang talaga at napunta ka rito kuya. Dahil kung hindi, baka hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sana ako sa mga puno. Thank you kuya." Pagkatapos ay biglang niyakap ni Yuri si Nigito. Hindi tuloy maiwasang mapangiti ng binata, talagang napamahal na sa kanya ang bata. "Walang anuman. Isipin mo na kuya mo talaga ako. Hindi ko kasi naranasan na magkaroon ng kapatid. Hindi ko nga inexpect na dito pa sa virtual game ko ito mararanasan..." "At ikaw yun Yuri. Tandaan mo, kahit na anong mangyari... Ako ang kuya Nigito mo! At your service!" nakangiting sabi ni Nigito. ISANG buwan na rin ang lumipas habang nasa f*******n Island sila. Level 11 na si Nigito samantalang level 7 si Yuri. Nagkaroon na rin ito ng skill. Frozen Arrows, nagiging Ice ang dulo ng palaso nito. Nagagawa nitong mapabagal ang galaw ng sinumang tatamaan nito. P'wede rin itong gawing permanent attack pero may bawas ito sa Mana kapag madalas ginamit. "Ngayon Yuri, siguro dapat subukan mo nang lumaban mag-isa sa monster. 'Wag kang mag-alala dahil nasa likod mo lang ako. Reresbak ako 'pag alanganin ka," wika ni Nigito. Naisip niyang siguro'y dapat na ring matuto si Yuri na makipag-battle mag-isa. "Sige kuya! Malakas na po ako at hindi na ako matatakot. Dehehe!" pagmamalaki naman ni Yuri. Sa paglilibot nga nila ay may napansin silang Level 5 monster sa 'di kalayuan. Iyon ang bagay na bagay labanan ni Yuri dahil level 7 na ito. "Yuri, mukhang dito na natin masusubukan," wika ni Nigito at tinapik sa balikat ang bata. "Handa na ako kuya. Watch and learn ka lang po. Dehehe!" nakangiting sagot ni Yuri at inihanda na nito ang kanyang sandata. Undead Leopard, level 5. Isang monster na kawangis ng tunay na Leopard. Maitim ang balat at walang balahibo na tila binalatan. May matatalas na kuko at pangil. Tumutulo rin ang laway nito at pula ang mga mata na nanlilisik. Naging kampante si Nigito nang magsimula ang duel. Kitang-kita ang lamang ni Yuri. Hindi makalapit ang monster dahil sa Frozen Arrow. Mabilis ding umaatras ang bata para makalayo na malaking advantage dito dahil isa itong range type hero. Ngunit nagulat si Nigito sa mga sumunod na nangyari... TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD