Secret We are here in Davao, dito sa bahay ni Travis. It's really a mansion. Halos sakop na nito ang kalahati ng subdibisyon dahil sa malawak na golf course. Napakalaki din ng bahay nila ngunit kakaunti lang ang katulong nila maliban kay Nanay Josefina. May mga lalaking trabahador at dalawang driver din sila. Nanay Josefina came with us. Kung sabagay ay wala siyang pagsisilbihan sa Paris. Ilang araw pa lang kami dito sa mansion nila ay napamahal na ako sa dalawang katulong nila. Kagaya kasi sa bahay namin sa Quezon City ay tinuturing ko din na kapamilya ang mga katulong. Mom and Dad taught me that. Hindi ako umuwi sa amin sa Quezon dahil dumeretso na kami dito. Kaya lang simula nang umuwi kami dito ay laging late umuuwi si Travis. Palagi siya sa bahay nina Kristine at hindi ko maiwasa

