“A-ARE you serious?” hindi makapaniwalang tanong ko. This man is crazy!
Walter simply smirked at me. He takes a seat in front of me, as if expecting me to provide the "proof" he's been demanding.
“I am not that easy to fool, Loraine. Tricks like that won’t work on me. Do you know how much this room costs?”
Wala sa loob na nailibot ko ang mga mata sa kabuuan ng room. Right! This room may cost me a month's salary. Nang ituon kong muli ang mga mata kay Walter ay bahagya pa siyang ngumisi na tila nahulaan niya ang iniisip ko.
“So?” pagkuwan ay tanong niya.
“I…I am telling the truth! Nababaliw ka na ba! Ano bang proof ang gusto mo?” nagpa-panic na tanong ko.
“Anything that crosses your mind.”
Tinitigan ko siya. Seryoso ba siya? Halos mamula mamutla na ako sa harapan niya. Paano? Should I show him my undies? Napansin ko ang nakakaloko niyang tingin sa akin na tila ba aliw na aliw siya sa itsura ko ngayon. Kahit itago niya ay nababasa ko ang nakakaloko niyang mga tingin sa akin. Pinaglalaruan ba niya ako?
Ah, ganoon?
Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. “Sigurado ka ba?” tanong ko habang ang mga kamay ay dumako sa laylayan ng dress na suot ko. Bigla ay nagbago ang reaksyon niya. His mischievous grin had vanished. Kumunot ang noo niya at seryoso akong tinitigan.
“Are you sure you wanna see this, Mr. Werner? Baka magulat ka,” nakakalokong tanong ko pa. Lalong kumunot ang noo niya. Akmang itatas ko ang dress na suot pero mabilis siyang tumayo at tumalikod. Hindi ko na napigilan ang mapangisi sa ginawi niya.
“What a disgraceful woman,” bulong niya habang naglalakad pabalik sa kama at dinampot ang long sleeve. Noon na ako napahalakhak ng tawa.
“Anong sabi mo? Eh, ikaw itong nagre-require ng proof! Takot ka naman pala!”
Naisuot na niya ang damit at naglakad na patungo sa pintuan ng hotel room. “Teka! S-Saan ka pupunta?”
“What? Are you expecting me to stay here? Do you want me to fu*ck you while you’re bleeding? That’s so gross,” inis na tanong niya at hindi ako nakaimik. “I’m leaving. It’s up to you if you want to stay—”
“Sasama na ako sayo!” mabilis na sagot ko. Bigla naman siyang nahinto sa paglalakad at kunot-noo akong nilingon. “What did you say?”
“I…I mean…p-pwede bang makisabay?” lakas-loob na tanong ko.
Hindi siya umimik. Tiningnan lang niya ako saka mabilis na humakbang palabas ng room. Nagmamadali naman akong sumunod. Inaayos ko pa ang dress nang makalabas ng room.
“Walter, wait for—” Nabitin sa ere ang pagtawag ko sa kaniya nang mamataan ko kung sino ang nasa hallway ng hotel room.
Sina Gio at Mary.
Kumuha din siguro ng hotel ang dalawang ito para mag-celebrate!
Bakas ang pagkagulat sa mga mata ni Mary. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Walter. Halata din ang paghanga sa mga mata niya habang nakatingin kay Walter. Hindi naman ako makaimik. Sinulyapan ko si Gio at napansin ko ang paggalaw ng panga niya dahil sa tinitimping galit. Halos mag-apoy din ang mga mata niya habang nakamasid sa akin.
At bakit siya magagalit?
Alam ko kung anong iniisip nila. Sino ba naman ang maniniwalang nagtititigan lang kami ni Walter sa hotel room! Huling huli kami sa akto! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Gusto kong magpaliwanag, pero kailangan pa ba? Mabilis na lang akong nag-iwas ng tingin kay Gio.
“Loraine, let’s go,” biglang baling sa akin ni Walter dahil natigil ako sa paglakad.
Maang na napatingin ako sa kaniya. Kanina lang ay nagmamadali siyang umalis na parang ayaw niya akong makasabay! Hindi si Walter nag-abalang batiin man lang sina Gio at Mary. Inabot niya ang kamay ko at bahagya pa akong hinila. Wala sa loob na sumunod ako. Ramdam ko pa rin ang mga mata nila Gio at Mary na nakasunod sa amin habang naglalakad kami papalayo.
Habang nasa elevator ay panay ang ayos ko ng dress dahil conscious ako sa period ko.
“Loraine, could you stop that? You look stupid because you keep adjusting your dress,” bulong sa akin ni Walter.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi na niya ako pinansin. Diretso lang siyang nakatingin sa daan. Looking confident as ever.
Paglabas sa lobby ng hotel ay pumarada agad ang isang luxury car na agaw atensyon sa iilang tao na naroroon. Panay ang sulyap ng ilang hotel guests sa amin, particularly kay Walter. Malamang dahil sa sasakyan niya. While I was uncomfortable, Walter appeared unconcerned by the attention he was getting. Mukhang sanay na siya sa atensyon na ipinupukol sa kaniya ng mga tao. Agad lumapit ang hotel staff sa sasakyan niya at pinagbuksan kami ng pinto.
Talaga ba? Sasakay din ako ng luxury car na ito?
Napansin ko agad ang interior ng sasakyan lalo na iyong upuan. Paano kung mamantsahan ko iyon? Ang ganda pa naman at ang linis. Mas malinis pa yata iyon sa sofa namin ni Jean sa apartment! Bigla akong nag-alangan.
“What are you doing? Get in the car,” sita sa akin ni Walter. Halata ang pagkainip sa boses niya.
Nag-aalangang sinulyapan ko siya. Mag-taxi na lang kaya ako?
“Ahh..b-baka kasi..kuwan kasi..m-my p-period…mag-taxi na lang pala ako,” utal-utal na sagot ko. Hindi ko na alam kung may naintindihan ba siya sa sinabi ko.
Lalong kumunot ang noo niya at pasimpleng inilibot ang mata sa paligid. Nagulat ako nang bigla niyang inihagis ang coat na bitbit sa upuan ng sasakyan. Maang na tiningnan ko siya.
“That solves your problem. Get in the car now. I don't have a lot of time,” mataray na sagot aniya.
Napipilitang sumakay ako sa magarang sasakyan. Magkaano kaya ang coat na ngayon ay ginawa kong sapin? Napansin kong nagtatakang sinulyapan ako ng driver niya.
“Tell him your address,” utos sa akin ni Walter pagkapasok sa sasakyan. Ang atensyon niya ay nasa cellphone na. Nakakunot ang noo niya habang may binabasa doon.
Sinabi ko sa driver ang address na magalang namang sumagot. “Fred, idaan mo muna ako sa Crowne Plaza bago mo siya ihatid. I have a meeting there.”
“Okay, sir,” sagot ng driver.
Ilang minuto pa ay nasa lugar na kami na sinabi ni Walter. Akmang pababa na siya nang ilibot niya muli ang mga mata sa loob ng sasakyan na para bang may hinahanap siya.
“Where’s my f*cking coat—” bigla siyang natigil sa pagsasalita nang gumawi ang mga mata niya sa coat niyang ngayon ay inuupuan ko. Hindi ko naman malaman ang gagawin sa pagkapahiya. His lips formed into a thin line.
Galit ba siya? Siya naman ang may idea nito ah!
“Utang mo sakin ‘yan,” pagkuwan ay sabi niya.
“Ha?” nagpa-panic na tanong ko. Magkano ba ang coat na ito? Hindi ko ito kayang bayaran agad!
Ngumisi naman siya. “After seven days, I’ll get my payment,” aniya saka bumaba.
Hindi na ako nakasagot. Ano daw? Bakit seven days? Hindi pa ako sumusweldo noon!