"Did you find your father?" Napabuntong-hininga si Zayn sa bungad na tanong ng mummy niya.Naroon ito sa garden nang bahay nila at may hawak na bote ng alak.Nag-aalala siya ng husto rito.Palagi niya kasi itong naabutan na naglalasing tuwing umuuwi siya galing trabaho. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang lumabas ito nang hospital.Tuwing pumapasok siya sa opisina ay hinahabilan niya sa kasambahay at sa kanyang Tita Glenda na huwag aalisin ang paningin ng mga ito sa mama niya. Lumapit siya sa mummy niya at hinalikan ito sa pisngi. "I'm sorry,'Ma.Hindi ko pa nahahanap si Daddy." Nangilid ang mga luha nito. Umupo siya sa katapat na upuan nito,saka kinuha ang bote ng alak na hawak nito. "Ma,you should stop drinking.Nakakasama sa inyo ang pag-inom." Tinitigan siya nito.Mababakas ang

