Nagtatalo ang isip ni Zen kung tatawagan ba niya si Gracia upang sabihing nasa labas siya ng bahay nila o kakatok na lang basta upang masorpresa ito.Dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa kanya ang dalaga magmula ng umalis ito sa bahay niya. Napatingin siya sa hawak niyang kahon ng cake na gagawin niyang panuhol kapag nagalit ito sa pagpunta niya na walang abiso.Akmang kakatok na siya nang biglang bumukas ang pintuan.Inakala niyang si Gracia iyon. "I know that you didn't call me.Alam ko kasalanan ko ang nangyari but handa akong panagutan ang nangyari sa atin.Bigla ka na lang umalis nang walang paalam pagkagising ko ay wala ka na." "Ahh,excuse me,Sir." Napanganga siya sa pagsasalita nang mapansing hindi iyon boses ni Gracia.Ibinaba niya ang hawak na cake at ngumiti nang tabingi sa ba

