23 years later..... Nabigla si Zayn nang maabutan niyang nakahandusay sa sahig ang mama niya sa kuwarto.Nagkalat ang mga walang laman na bote ng alak sa paligid. Mabilis siyang lumapit dito.Niyugyog niya ang mga balikat nito. "Ma!" Napuno nang takot and dibdib niya nang hindi ito sumagot.Inilapit niya ang isang tainga niya sa dibdib nito.Narinig niya ang t***k ng puso nito.Nang hindi siya makonteto ay kinapa niya ang pupulsuhan nito.May nadama siyang pagpitik doon. Iniikot niya ang mata sa paligid.Nakita niya sa kama ang isang boteng lalagyan ng mga gamot.Napamura siya nang damputin iyon at mapagtantong bote iyon ng sleeping pills.Marahil ay sabay-sabay na ininom nang mama niya ang mga iyon. "Ma,wake up!" Halos hindi siya makahinga sa sobrang kaba. "Ma,wake up!" tawag niya uli rit

