Chapter 1

3125 Words
Habang itinutuno ang gitarang kinaingat-ingatan ko ay may dalawang babae ang lumapit sa akin. Kasalukuyan akong nakatayo sa Bonifacio High Street, Taguig sa lugar na kung saan ay pwedeng mag perform ang mga kagaya ko. Maswerte na lamang at pinapayagan ang isang busker na gaya ko rito. Suot ang isang plain white t-shirt at kupas kong pantalon ay handa na ako para mag-performance. Makikita sa paligid na tila ako lang yata ang kakaiba kung ang mga taong nagpaparoon at parito ay nakasuot ng mga mamahaling damit o kasuotan ako naman ay heto napag iiwanan na sa fashion trend style na tinatawag nila. 'May pamilya kang binubuhay Shun kaya huwag mo nang isipin ang mga bagay na hindi naman halaga' paalala ko sa 'king sarili. "Kuya pwedeng magrequest po?" Napangiti naman ako sa babae, tantiya ko ay kinse anyos lamang ito. "Kuya pwede po ba Liham by SB19?"Tanong naman ng kasama nyang babae. Mabuti na lamang ay napakinggan ko ang kantang ýon sa radyo kaya alam ko ang tinutukoy nyang kanta. "Sure!" Masaya kong tugon. Kasunod ang pag galaw ng daliri ko sa gitara. "Ang aking mundo ay payapa Sa 'di malamang dahilan At noon ay buo kong inakala Lahat ay ayos na naman" Sa bawat liriko at salita ay buong puso't kaluluwa kong akoý kumanta. "Nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay Nagbabalat kayong himala oh Mga pasan ay gumaan Ikaw ang tanging dahilan Sa'yo lang napuno ng kasiguraduhan Narito ako tapat lang at totoo Pinapangako sa iyo" Kaysarap siguro kong iibig ka sa ganitong paraan. Genuine at wholesome lang, walang bahid ng pangloloko at tunay kong mahahalin ka. "Ito ang aking liham sa pag-ibig ko 'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano Ikaw lang ang himpilan ng aking puso Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao Ligaya ng aking mundo" Sa pagmulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang kumpulan ng mga tao. Hindi ko inaasahan na maraming makaka appreciate sa pag kanta ko. Sinundan 'yon ng masigabong palakpakan ng mga nanonood. "You're voice were so angelic Kuya!" "You're not just gwapo kuya, you're voice is so lit!" Napakamot ako ng batok dahil sa hiya nag init din ang dalawang pisngi ko. "Dahil jan ito para saýo kuya." Namilog ang mata ko ng makita kong isang libo ang hinuhugat ng babae sa wallet niya. "M-masyadong malaki naman yata yan." Matindi ang t***k ng puso ko ngayon, hindi ko mawari kung sa tuwa ba 'to o saya. Bihira lamang ako makahawak ng ganito kalaking halaga. "Keep it kuya, you deserve this!" "M-maraming salamat sa inyo." Buong matamis na ngiti naman ang ibinigay nila sa akin. Tama nga ang sabi ni Kate sa 'kin na maiging dito rin ako kumanta-kanta dahil malaki kung magbigay ang mga tao rito. Maliit pa lamang ako ay pangarap ko na maging isang sikat na singer kung papalarin ay maging isang idol artist na rin. Isang artist na titingalain at hahangaan. Hindi ko isusuko ng basta-basta ang pangarap kong 'to. Kahit mahirap ay ilalaban ko para maging matagumpay sa buhay. Wala namang mawawala kong susubukan ko nang susubukan. Nagpatuloy ako sa pagkanta, pagkanta na may kasamang emotion at puso. Hindi naman ako nabigo dahil patuloy ang mga tao sa pagbibigay ng pera. Kailangan ko 'to para sa pamilya ko at sa sarili ko. Tumunog ang alarm ng cellphone ko, hudyat na para tumigil ako dahil may birthday party pa kong pupuntahan. Isa ito sa mga racket ko ngayong araw. "Asan na naman yang magaling mong kuya Shun?" Sa singhal ni Tito Ropert ay mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko. Paniguradong namumula na naman ang mukha nito dahil sa galit. "Nandon na naman ba sa BGC? Ilang beses ko bang dapat ilagay sa kukote niya na walang magagawa yang pagkanta-kanta niya don." "Ikaw Ropert sa twing nalalasing ka 'yang si Shun na naman ang nakikita mo. Ba't hindi mo na lang kasi aminin na inggit ka jan sa pamangkin mo. Kung hindi ka kasi gago, kung tinapos mo yang pag aaral mo edi sana may ambag ka na rito sa bahay!" Tanggol ni Tita Rosie ko. Ulilang lubos na ako at ang Tita Rosie ko ang tumayong magulang ko. Kahit na sa paglilinis ng kuko-manicure at pedicure ay tinaguyod niya ang pag aaral ko. Sa pamamagitan naman ng pagkanta sa mga okasyon at bar ay nakakatulong ako sa mga gastosin sa bahay. Medyo malaki ang perang nauwi ko kaya bago pa mauwi sa matinding gulo ang away ng magkapatid ay pumasok na ako sa munting bahay namin. 4x4 lang ang laki nito.Pilit na pinagkakasya ang dalawang pamilya. "Mami Rosie, narito na po ako." Anunsyo ko kasabay non ang pagpakita ko rito sa letchon manok na pasalubong ko. May kasama ring chocolate cake at beef steak galing sa birthday na pinuntahan ko. Naubosan na ng lumpia kaya hindi na ako nakapag uwi. "Wow!Tito Shun mukhang masarap ýan a" Nagtatalon sa tuwa si Botyok ng maamoy nito ang dala kong ulam. Kung hindi kasi asin ang iniuulam ay toyo't mantika naman ang nasa hapag. Aaminin ko na mahirap lamang kami kaya nagsusumikap ako na maiaahon ko sa kahirapan ang pamilyang ito. "Tito Shun kain na tayo!" Yaya ni Botyok. Limang taon lamang ang batang 'to na anak ni Tito Ropert. Iniwan siya ng ex-girlfriend niya at sumama sa ibang lalaki. "Mano po Tito Ropert,"turan ko. Kahit na magaspang ang ugali nito sa akin ay pinakikisamahan ko siya at iginagalang. Matapos ko magmano ay tinalikuran ako nito kaagad. "Huwag mo na lang pansinin ang Ropert na ýon anak. Alam mo naman na topakin ýon at bitter sa buhay." Tumango na lang ako sa sinabi niya. "Mami Rosie ito nga po pala ang kinita ko." Sabay bigay sa kanya ng dalawang libo. Nagtabi ako ng limang daang peso para sa allowance ko sa darating na panibagong linggo. "Ang laki nito anak! Sa wakas may pambayad na tayo ng renta. Mabuti na lang talaga at biyaya ka sa amin ng Dyos."Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa sinabi ni Mami Rosie. "Tito Shun nagugutom na ako, kain na po tayo!" "Ikaw Botyok napakatakaw mong bata ka"-Mami Rosie. Sa mga magkakasunod na text message ay nagising ako. Tiningnan ko ang de-keypad kong cellphone. Pinag ipunan ko ito at sa halagang limang daang peso kahit papano ay nagkacellphone ako. Nabasa ko ang pangalan ni Kate— matalik kong kaibigan. Hindi ko pa man nababasa ang message nito sa inbox itoý tumatawag na. "Good morning Shun!"Maligalig nitong bungad na kaagad kong inilayo sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses nito na sinundan pa ng tili. "Ang aga-aga mo namang mang abala Kate." Reklamo ko dahil alas singko pa lamang ng umaga. "Gaga I'm just so happy for you mi dearest friend!" Nagtaka naman ako sa sinasabi nito. Wala naman akong naaalala na may magandang nangyari sa buhay ko ngayon. "Gusto ko lang malaman mo na nakuha ka sa Sing Sing Voice." Nang laki ang dalawang mata ko sa narinig kasunod non ang pagbangon ko dahil sa hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Isa iyong variety show nahuhulaan mo kung sino ang sintunado. Malaki rin ang papremyo non kaya pinagdasal kong makakapasok ako ron. "Thank you so much Kate! Napakalaki ng tulong mo" Halos walang pagsidlan ang tuwa ko, gusto kong umiyak at magtatalon. Ang perang makukuha ko kung sakali ay pwede kong ipang enroll sa darating na pasukan. "I got you! Ako na bahala sa paghatid sayo sa studio. Ayokong pati pamasahe mo papunta ron ay poproblemahin mo pa." May kaya sa buhay ang pamilya nila Kate. Ang grocery store na pag mamay-ari nila ay laging tinatangkilik ng mga tao at may hacienda pang pinapamahalaan. Mabuti na lang kahit mahirap ang buhay ay may taong handang tumulong sa akin. "Pag nakaluwag luwag ako pangako ililibre kita" "Masaya na 'ko kahit isang kiss lang sa pisngi" "Ano ýon Kate? Hindi kasi kita marinig." "Ang sabi ko, alas otso pa lang ay susunduin na kita sa inyo." "Okay, okay. Maraming salamat ulit." Makulimlim ang kalangitan at napakaitim ng langit. Tila nagtatago ang araw for short hindi maganda ang panahon pero kahit ganon pa man ay tumuloy kami ni Kate sa studio. "Good luck sayo beshie ko!" Yakap ni Kate sa 'kin. "Beshieeee na eexcite ako!" Tili nito kasunod ng paghampas nito sa braso ko. "Alam mo ba na ang Star Light ang guest ngayon, ibig sabihin nandito yung bias ko!Mygad! Ishana Madrigal is here. We breath the same air na!"Parang bulateng nilagyan ng asin itong kaibigan ko dahil sa kilig. Fan na fan kasi ito ni Ishana Madrigal. "Baka naman pwede mo kong makuhaan ng autograph nya Shun." Kasunod non ang pag puppy eyes niya sa 'kin na ikinatawa ko. "Kung malulunod ako at si Ishana sino ang sasagipin mo?" "Syempre si Ishana!" "Hindi kita ikukuha ng autograph nya!" "Hindi ka na mabiro, syempre sasagipin ko si Ishana kasunod ka." "For a minute we will start!"Anunsyo ng isang staff kaya hindi ako magkandaugaga na tingnan ang ayos ko. "Ayos lang ba ang itsura ko?" Tanong ko dahil medyo kinakabahan na ako ngayon. "Oo, mukhang tao ka pa rin naman Shun. Wag kang kabado jan kung magkamali ka man ngayon wag kang mag alala walang nakakakilala sayo." "Maraming salamat sa napakagandang advice a." Sarkastiko kong kuda. Nagsisimula ng pagpawisan ang kamay ko wala sa oras na magiging water binder yata ako, madadaig ko pa yata si Katara. Jusq! Ikaw na po ang bahala sa 'kin. "Good luck Shun!" Ilang minuto pa ang nagdaan at sumalang na kami sa taping. Nang makita ko ang Star Light ay napatulala ako. They are stunning. The way they perform kulang ang salitang perfect para i-describe kung gaano sila ka talented. They are singing and dancing in front of me! Pero ang higit na hinangaan ko sa lahat ay ang boses ni Ishana. It was so angelique at walang kahirap hirap niyang nagagawa ang mga high note sa kantang inaawit nila ngayon. He even do a whistle na syang nagpatayo lalo ng balahibo ko sa katawan. Lalaki ako pero hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang daming humahanga sa isang Ishana Madrigal. Hindi rin magkandamayaw ang sigaw at tili ng mga audience para sa Star Light. They are born to be a star nga talaga. Mapalalaki ay isinisigaw ang kaniya kaniya nilang bias. Ishana, Phoenix, Seven, Hans, and Dark. Ngayon ko lang din napansin na may mga foreigner fans din ang grupo. May mga Americans,Japanese,Taiwanese o Chinese maging Vitnamese at Thai.Mukhang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng Star Light. "That was a great performance from Star Light!" Masayang wika ng MC, kasabay non ang masigabong palakpakan ng audience na mahahalatang karamihan don ay fans ng naturang grupo. Sa buong duration ng taping ng show ay wala akong ibang naramdaman kundi ang paghanga sa isang Ishana Madrigal. The way he move, smile and talk matutuon talaga ang atensyon mo sa kanya. Hanggang sa ako na lang ang natira at huhulaan nila kung singerist o sintunado ba ako. Excited at kaba ang nararamdaman ko. Ang pagtibok ng puso ko ay aligaga. Confident naman ako sa pagkanta ko at isa na itong opportunity para maipakita ko na rin sa mundo ang talento ko. "Singer nga ba o sintundo si Mr. Shine Shun ng Taguig, let's find out kung tama nga ba ang hula ng Star Light na sintunado ka Mr. Shine Shun" "Don't go You know you'll break my heart She won't love you like I will I'm the one who'll stay When she walks away And you know I'll be standing here still" Ang sarap sa tenga ng pinagsama-samang boses ng miyembro ng Star Light. Walang nagsasapawan o nag aagawan ng linya. Waring isang choir sila ng kalangitan na binuo upang umawit para sa kataas taasan. Sa pagkakataong makaduet sila ay ayokong magkamali ngayon. Kumakabog man ang dibdib sa tinding kaba ay ibibigay ko ang best ko sa araw na 'to. "I'll be, waiting for you Here inside my heart I'm the one who wants to love you more 'Cause you see I can give you Everything you need Let me be the one to love you more" Malinis ang bawat pagkanta ko sa mataas na nota. Yung tuwa at saya ko walang pagsidlan. Nanalo kasi ako 20,000 pesos din ito. Nakikita ng mata ko ang paghanga ng apat na kasama ni Ishana sa 'kin maliban sa kanya. I can't read his emotion. "Mr. Shine Shun parang ikaw ang bubuo sa Star Light o 'di kaya ang nawawalang miyembro ng grupo." Papuri ng MC na syang ikinakamot ko ng batok dahil sa hiya. Ramdam ko ang pag init ng dalawang pisngi ko. "You got a nice voice." Sa pagkakatanda ko ito si Phoenix, the main dancer and sub vocal ng grupo. Maaliwalas ang mukha nito at kapansin pansin na may lahing hapon ang lalaki dahil sa may pagkasingkit ang mata at bumagay rito ang matangos nitong ilong at malapusong hugis ng labi. Masasabing maraming babaeng taga hanga si Phoenix. "Maraming salamat po,"tugon ko at hindi maiwasang mapa-bow sa kaniya. "Any advice you can give to our contestant?"Tanong ng MC at hindi ko inaasahan ang sumagot. "Don't let your dreams be just dreams." Sa katagang binitawan ni Ishana ay hindi ko mapigilan ang abot tengang ngiti ko. Maikli lamang 'yon pero ang tindi at taas ng motivation na naibigay non sa 'kin. Pakiramdam ko kahit anong hirap na pagdadaanan ko ay kakayanin ko 'yon lahat. Gusto kong umiyak at yakapin siya. "Everything will be alright." Nagulat ako ng niyakap ako ni Ishana. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko. Sa yakap ni Ishana it was the most warm and sincerest hug na naramdaman ko. Pakiramdam ko tuloy may malalim kaming ugnayan. Gad! Nagiging delusyonista na yata ako. "Thank you so much po,"wika ko ng maghiwalay na kami. Hindi nagtagal ay natapos na rin ang taping namin. "Shuta ka Shun! Inunahan mo pa 'ko kay Ishana." Mabilis na lumapit si Kate sa 'kin habang ang ibang audience ay nagsimula ng magsilabasan sa studio. "Hubarin mo yung suot mo!Sht ang bango ng perfume ni Ishana. Dumikit sayo. Tngn sana ako na lang." O heto na naman tayo sa fangurl mode ng kaibigan ko. Hinubad ko yung suot ko at sinuot ang kabibigay nya lang na white t-shirt. "Gagi, amoyin mo parang amoy ng anghel!"Kinikilig na turan ni Kate at sininghot singhot ang damit. Kung hindi ko lang kaibigan 'to baka ipakulong ko na 'to dahil sa pagiging creepy niya. "Na san na yung autograph ni Ishana?" Matamis ang ngiti niyang tanong sa 'kin. Napa face palm ako, nawala sa isip ko ang favor niya. "Hintayin mo 'ko rito." Paalam ko at nagmadaling makipagsiksikan sa exit ng studio. Sana maabutan ko pa sila! Nakipagsiksikan ako sa mga fans papunta palapit sa van ng Star Light. It was a huge white van at tinted. Habang dumadaan ang segundo ay nawalan ako ng pag-asa na makalapit. Dinumog na ang sasakyan at ako naman ay hapong hapo na dahil sa tindi ng pagod. Huminga ako ng malalim to catch my breath. Lakad at takbo kasi ang ginawa ko. Napatingin ako sa paligid at hindi ko na alam kung nasaan ako. Aaminin ko na wala akong sense of direction at malas ko dahil hindi ko dala ang cellphone ko.Hindi ko matatawagan si Kate. Naglakad lakad ako at napansin ko ang limang mamahaling kotse. It was a sports car at gawa ng mga kilalang brand. "Stop it Phoenix! Ano ba nasasaktan ako" Pamilyar ang boses na 'yon. "Babe alam mo kung bakit ko ginagawa sa'yo to. Ano sinadya mo ba ang pagyakap sa contestant na yon para pagselosin ako?" Nakita kong kinakalad si Ishana ni Phoenix. Lalapitan ko sana sila ng makita kong may hawak itong baril. Nagsalubong din ang mga mata namin ni Ishana at sa tinging binigay niya ay sinasabihan akong huwag lumapit. "No Phoenix, hindi ko gagawin yon. I won't do anything that could hurt you Babe." Tama ba 'tong naririnig at nakikita ko? May relasyon ba sila? "Stop it Phoenix, don't stain our toy." It was Seven, Seven Lee—the most innocent face in the group. Napatakip ako ng bibig ng makita ko mula sa pinagtataguan ko ang mga pasa at sugat ni Ishana sa likuran. Mukhang bago lamang iyon. Hindi ko alam kung pano nya nagagawang itago ang sakit at hapdi na yon habang nag p-perform kanina sa stage. "Alam mo namang schedule nya ngayon sa 'kin di ba." Nanginig ang tuhod ko sa takot ng tinutukan ng baril sa ulo si Ishana ni Phoenix. Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya at tulongan siya ngunit ang paghakbang ay napakalabong gawin. Napasalampak ako sa tindi ng pang hihina ng mga paa ko. Habang ako'y takot na takot dahil sa sitwasyon si Ishana naman ay kalmado at tila isang normal na bagay na lamang ang nangyayari sa kaniya ngayon. "What if, let just do a threesome, share Ishana with us tonight Seven."—Dark, Dark Nikolaev. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko. Natatakot ako para kay Ishanna. "Pumayag ka Ishana, di ba gusto mong maging ambassador ng Twilight?" Tinutukoy nito ang mamahalin at kilalang luxury car na pag mamay-ari ng Nikolaev Empire. Mukhang napagtagni tagni ko na ang mga nangyayari at ang masalimuot na nakatagong mensahe sa payo ni Ishana. Nakita ko ang pagtango ni Ishana maging ang takot sa mga mata niya. Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa pangarap mo? Ano ba ang kaya mong ibigay? Ano ang kaya mong isakripisyo? Ang mga matatamis na ngiti sa labi ni Ishana ay hindi ko na makita. Ang maaliwalas nitong awra ay isang balat kayo upang makamtan lahat ng pinapangarap nito. Anong mangyayari sa kanya? Tama bang nandito lamang ako at manatiling nakatago?  "Anong ginagawa mo dito? Ayos ka lang ba?" Sa sunod-sunod na tanong nito ay lalong dumoble ang kaba ko. It was Hans, Hans del Quiero. Nahuli ba ako? "N-naliligaw kasi a-ako hindi ko na alam kung san ang exit." Wala man itong dalang baril o bagay na ikapapahamak ko pero pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko. "Just get in the elevator and pressed the ground floor." Nakangiting wika niya na siyang ikinatayo ng balahibo ko sa tindi ng kilabot ko. "T-thank you." They are not good people. Star Light is like a living demon lurking in this land! "Hoy Shun! Kanina pa kita hinahanap dito lang pala kita makikita." "K-Kate" Halos hindi ako makahinga sa tindi ng hilakbot ko. Parang buong katawan ko ay nakaramdam ng takot. My brain is not helping me. Hindi ko namalayan na nasa Ground na ako. Napayakap ako kay Kate. Ikaw ba nakaranas ka na ng ganoong takot dahil sa isang tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD