KABANATA 3

1659 Words
"Bakit sa Batangas?" nagtataka kong tanong kay Chona na sinasakay sa compartment ng sasakyan ang mga gamit ko. "Nando'n ang biktima!" sabat ni Nanding habang abala sa pagpipindot sa screen ng cellphone. "Biktima? Ay! Kayong dalawa, ha. Ano na naman ang modus ninyo? Kinakabahan ako," sabi ko sa kanila na pabirong umatras. Imbis na sa Maynila ang punta namin, didiritso raw kami sa Batangas. "Anong modus-modus ka riyan! ‘Day, nando'n si Engineer Marco Joseph Montefalco, ang nagmamay-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Maynila," litanya ni Chona. Napakunot-noo ako. Ano naman kung nando'n si Marco na iyon? Hindi ko nga siya kilala. "Mama Mary! Hindi mo kilala si Marco? Saan bang planeta napunta ang utak mo, Maria?" bulalas ni Nanding nang nakitang nakalukot ang noo ko at tila nagtatanong ang ekpresyon ng mukha. "Si Marco ang crush ng campus from Engineering Department! Fifth year siya no'n at second year tayo. Iyon ang time na dumating ka. Ano ka ba?" palatak ng bakla na pilit pinapaalala sa akin ang lahat. Itinuon muli ni Nanding ang atensyon sa ginagawa. Parang narinig ko na ang pangalan na Marco, pero wala kasi akong pakialam sa crush ng campus nila o kung sino mang heartthrob na iyan. Focus ako sa pag-aaral lalong-lalo na nang sa malaking eskwelahan ang napasukan ko— ang ADMU. At scholar ako kaya wala akong inatupag kung hindi libro at hindi ang ibang tao. "Alam mo, hindi na bale kung hindi mo siya kilala. Ang importante dapat mo siyang ma-interview dahil..." Ngumiti si Chona at tumili bigla. "Ikaw ang gagawa ng article niya sa new project sa Napayong," excited na sabi niya. "Talaga?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. Magbabakasyon na nga ako, may trabaho pa. "Kaya, bes, ayusin mo! Makikita ang pangalang, Maria Costa sa magazine ni Marco Montefalco. Ay!" tumitiling saad ng aking kaibigan. Masaya akong tumango at pumanhik sa loob ng sasakyan. Habang hindi pa rin magka-andugaga si Nanding sa kakalaro. "Pakita ko picture niya sa'yo, girl. Pero mamaya na dahil ranking ako," ani Nanding na ang tinutukoy ay ang larong Mobile Legends sa phone. "An enemy has been slain," narinig ko pang sabi ng nilalaro niya. "Basta break a leg! Bring home the bacon!" Chona cheered me on. Sana nga ito na ang malaking break na hinahanap ko para naman ay maayos ko ang career na gusto ko. NIYUGYOG ni Nanding ang balikat ko at papungas-pungas ako nang makitang naghihintay na sa labas ng van si Chona at may kinakausap sa telepono. Nakatulog pala ako habang nasa biyahe kaya hindi ko tuloy nakita ang magandang tanawin habang nasa daan. Bumaba na ako at may naghihintay na palang tricycle. "Arat na, girl! Sasakay pa tayo ng bangka para makapunta sa Barangay Buco," pahayag ni Nanding. Parte kasi ng Barangay Buco, Talisay Batangas ang Napayong. Alam ko iyon dahil parte ng islang tinirahan ko rati ang barangay na iyon. Hindi ko kasi na-kuwento sa mga kaibigan ko ang trahedya na iyon. Para sa akin, masiyado ng komplikado para may makakaalam pa na iba. Ang alam nila ay ulila ako at kinupkup lang ng mga madre. Binyahe namin sakay ng pampasaherong bangka ang Napayong at doon narating namin ang Isla. Malayong malayo na ito sa dati'y puro mangingisda lang ang naglalakbay sa karagatan. May mga tour boats na ring bumabayo sa magandang dagat dito. Kumusta na kaya ang islang iyon... Mula sa bangka na padaong na ay natanaw ko ang napakalayong isla. Iyon ang islang saan ako tumira ng halos dalawang linggo. Ang islang naging kanlungan ko ng hinayaan ako ng sariling ina na mawala. Napangiti ako nang may nakitang pamilyar na mukha na sasalubong sa amin. Tatay Isko... Si Tatay Isko ang isa sa mga tumutulong kina Mother Evelyn para mamigay ng kaunting tulong sa mga bata rito sa isla. Palagi akong sinasama ng mga madre dati kaya kilalang kilala ko si Tatay Isko. "Magandang araw po mga binibini at ginoo..." bati sa amin ni Tatay Isko at halatang hindi ako nakilala. Ilang taon na rin kasi nang hindi na ako nakabalik pa rito, lalo na noong nag-aaral ako. "Excuse me po, mga binibini at walang ginoo," pagtatama ni Nanding habang pinapaypay ang floppy hat na dala. Napangiti lang ang matanda sa tinuran ng bakla kong kaibigan. "Tatay Isko," nakangiting sambit ko na humarap sa matanda. Kagat-labi kong ibinuka ang mga braso para yakapin siya at puno rin siya ng pagtatakang tinitigan ako. Pati mga kaibigan ko ay nagtataka rin. "Kilala mo siya, bes?" takang-tanong ni Chona. "Iha? Kilala ba ki- teka..." Nanlaki ang mga mata niya nang napagtanto kung sino ako. He finally knew me! "Dios ko! Maria!" masayang sigaw niya na agad akong niyakap. Hindi pa rin nawawala ang labis na pagkagulat sa mukha ng dalawa kong kaibigan. "Ay ke-laki mo na, eh! Halos hindi kita nakilala," sabi pa ng matanda na hindi nawawala ang tono ng pagiging Batangueno. "Kumusta po kayo, Tay? Si Nanay Linda po?" Ang tinutukoy ko ay ang asawa niya. "Wait lang, bes? Nakapunta ka na rito?" naguguluhang tanong ni Chona sa akin. "Halos dito na ere lumaki ito dahil sa pabalik-balik sila rito," sagot ni Tatay. Tumango ako na naka-akbay pa rin kay Tatay Isko. "Hala! Kwento pa ako nang kwento sa iyo! Naging tour guide mo kunwari ako, eh! Laking isla ka pala! Hayop!" litanya ni Nanding na ngumunguso pa. Habang nasa bangka kasi kami, kwento ito nang kwento sa akin tungkol sa isla. Para hindi ko ma-spoil ang moment niya as a tourist guide kunwari, hinayaan ko siyang i-feel ang pagkukwento habang tinuturo-turo ang mga katabing isla. Natatawa na lang ako habang nakayakap pa rin sa tatay-tatayan ko. "Anak, baka gusto mong pumunta muna sa bahay, may daing ako roon, paborito mo," yaya ni Tatay Isko. "Talaga tay? Sarap naman, kaso may hahabulin kaming kliyente. Kailangan naming ma-interview ngayon," tugon ko sa kanya. "Ay gay-on ba? Ah sige, dumalaw ka iha ‘pag may oras ka." Tumango ako at nagpaalaam na rin dito. Na-miss ko ang mga tao at ang isla. Lalong lalo na ang naging kanlungan ko rati. Kung may oras pa ako ay pupuntahan ko ang islang iyon. Hindi naman siguro delikado na dahil malaki na ako at marami ng tao sa isla. Nagtungo kaming tatlo sa isang kalapit na resort. Maliit lamang ito at sabi'y roon daw nag che-check-in si Marco Montefalco. "Sabi ni Sir Marco, bukas na raw siya magpapa-interview. May kailangan siyang puntahan ngayon." Bagsak ang balikat namin sa nalaman. Wala kaming booking na kwarto sa resort. Fully book pa yata dahil summer. Plano kasi namin na pagkatapos makausap si Mr. Montefalco ay babalik kami sa bayan at doon muna mananatili at magpasyal-pasyal. Ako, okay lang kasi nandito naman sina Tatay Isko at Nanay Linda, ngunit ayaw kong iwan ang mga kaibigan ko. Maliit lang din ang kubo ng mag-asawa para sa aming tatlo. "Huwag kayong mag-alala. Sir Marco already reserved a room for you." At tila nanalo kami sa lotto sa narinig. Akalain mo ba naman? May free accommodation pala kami. Excited na pinuntahan namin ang kwarto. Malaki ito at may tatlong kama. At dahil sa maaga pa naman ay nagpasya sina Chona at Nanding na maligo sa dagat. Wala akong dalang panligo kaya ay naglakad-lakad na lang muna ako. The dazzling sunlight made the sand sparkle like a thousand tiny jewels, the waves crashing against the shore, the humidity felt like I was entering a sauna, although the breeze was strong. Ito ang na-miss ko rito sa Napayong. Dati, wala pa itong resort at tanging bahay ng mga mangingisda ang nakatayo. Sa nalaman ko, nang bilhin ito ng isang Amerikano ay binigyan umano ng sariling lupain ang mga nakatira rito. Maganda rin kasi kaya't kahit malayo ay dinadayo ng mga dayuhan at taga-Maynila. Napako ang tingin ko sa may kalayuang isla. Hindi ko nga akalain na mabubuhay akong mag-isa noon gayong nasanay ako na nasa tabi ng mga magulang dati. Dahil naman din kay Mutya kaya ko nakayanan, dahil kung ako lang ay baka namatay na ako, sabi ng isip ko. Iniling ko ang ulo nang naalala na naman si Mutya. Naging parte nga siya ng survival ko rati pero malaking pinsala naman ang naiwan niya sa akin. Marami siyang nasirang relasyon at naging kaaway at sa akin lahat natama at nasisi. Hindi na dapat bumalik si Mutya… Nahagip ng mga mata ko ang isang bangkero na nagtatali ng bangka. Isa sa mga pinagkikitaan ng mga taga rito ay ang pagpapa-arkila ng mga bangka sa mga dayuhan. Nilapitan ko siya at tinanong kung magkano ang arkila. "Wampipti ang isang oras, ate," sagot ng binatilyo. Agad kong hinugot ang pera at binigay sa lalaki. "Ate, riyan lang sa irya na may kawayan," dagdag niya. Simple ko siyang tinanguan at sumakay na sa bangka. Dahil sa pabalik-balik nga kami rito dati ay tinuruan ako ni Tatay Isko na mamangka. Kabisado ko, pero hindi ako marunong lumangoy. I was so afraid before in big water. Pero nang tumira ako sa isla ay naibsan iyon at nakasanayan na rin. Marami rin ang namamangka. At masasabi kong medyo puno ang dagat ngayon. Nasa kalayuan na ako ngunit nasa loob pa rin ng kawayang nakaharang sa dagat. Napatingin ang mga mata ko sa isla. Sarap pumunta at dalawin ang lugar na iyon. Sa may gilid ay may lagusan upang makalabas sa kawayan. Puntahan ko kaya kahit saglit... Ngunit nagtatalo ang isip ko. Hapon na at mayamaya ay magdidilim na rin. Subalit nakakaakit ang ganda ng isla. Nais ko lang namang silipin kung gano'n pa rin ba ang hitsura nito. Nilinga ko ang may-ari ng bangka. May kausap siya. Pagkakataon ko upang makalabas sa kawayan. Marami rin ang namamangka kaya, hindi siguro ako mahahalata. Nang makalabas na ako ay hinay hinay kong binaybay ang daan patungo sa isla. Mga thirty minutes o mahigit siguro bago ko naabot ito. Ngalay na ngalay pa ang braso ko sa kakasagwan. Bumaba agad ako nang dumaong na ako sa dalampsigan. Ilang taon din...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD