Nagising si Dorcas na masakit na masakit ang sikmura at ulo. Umiikot din ang paligid niya. Nang tinangka niyang bumangon ay nagulat pa siya nang makita si Errol na himbing na natutulog sa tabi niya. Nakapatong pa ang isang braso nito sa tiyan niya. Ngunit wala na siyang panahon upang mag-isip pa kung bakit nasa kama siya ngayon at katabi pa si Errol. Masamang-masama ang pakiramdam niya kung kaya nagmamadali siyang gumulong patungo sa gilid ng kama at pinilit na tumayo. Pasuray-suray siyang naglakad papuntang bathroom. Halos mapugto ang hininga niya sa pagpipilit na mailabas ang lahat ng nasa sikmura niya. Ngunit dahil hindi siya nakapaghapunan kagabi ay halos wala siyang mailabas kung kaya lalo siyang nahirapan. Binuksan niya ang gripo sa lababo at naghilamos ng mukha. Pag-angat niya n

