Naalimpungatan si Dorcas. Nanibago ang katawan niya sa kakaibang lambot ng kama na hinihigaan ganoon din sa banayad na air freshener na nanunuot sa kanyang ilong. Ilang ulit na ikinurap niya ang mga mata. Nasa loob siya ng isang napakaluwang na silid at nakahiga sa napakaluwang na kama. Blue, gray and white lang ang nakikita niyang kulay palatandaan na lalaki ang nagmamay-ari ng silid na iyon. Nanghihinang bumangon siya. Lalo siyang namangha nang iginala niya ang mga paningin sa kabuuan ng buong kuwarto. Nang tinangka niyang tumayo ay saka lang niya nalaman na wala pala siyang saplot nang mahulog sa sahig ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan. Saka lang unti-unting nagliwanag sa kanya ang lahat. Errol made love with her few hours ago. It was an intense lovemaking. So intense that she

