Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos kapag nakikita niyang lumalapit ito sa dalaga. Aminado naman kasi siya na guwapo rin naman si Gorio. Matangkad din naman ito gaya niya. Kung tutuusin, hindi imposibleng magkagusto rito ang dalaga. Dahil hindi naman nalalayo ang ka-guwapuhan nito sa kanya. Lalo na kapag nakabihis ito at nakaporma. Kung hindi nga lang nasunog sa araw ang kutis nito siguradong kasing puti niya rin ito. Gaya niya kasi, dati rin naman kasi itong taga-Manila. "Aano na naman 'tong mokong na'to, " bulong niya habang nakatanaw sa dalawa na noo’y masayang nag-uusap malapit sa gate. Mayamaya pa'y natanaw niya si Gorio na papalapit kay Cathy kaya nagmamadali siyang bumaba. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya noon. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa dalawa habang pababa

