Chapter 4

1611 Words
"ASAN mga tao dito?" takang tanong ko pagkauwi sa bahay. Pumunta ako sa living area, kusina at sang-sang part ng bahay pero ang ending na pagod lang ako dahil sobrang lawak nga pala nito. Hanggang sa mapatigil ako sa garden area at lumapit sa isang maid na nagagamas ng halaman. "Ah-h-hello po? Nasaan po sila?" Nahihiyang tanong ko. Aba syempre nakikitira lang naman kami dito ni Papsi. "Umalis sila hija, pero tingin ko babalik din naman agad sila." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ito mataray katulad nung mga napapanuod ko sa TV na matataray na katulong! "Ganun po ba, hehe sige po salamat." Bumalik na ako sa loob at dumiretsong kwarto para magbihis at magpahinga. Nang makapagpahinga, nagbasa-basa ako ng mga notes sa school at nag-advance reading para may idea na ako sa susunod na ituturo. Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ang gwapong mukha ni sir. Hihih. Napatigil ako sa pag-iimagine nang may katok akong narinig mula sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. "Hija," sabi ng katulong, ito yung nakausap ko kanina. "Po?" sagot ko at ngumiti. "Pinapababa ka ni sir Jared kumain ka na raw." Nanlaki naman ang mga mata ko! Totoo ba 'to?! "P-po T-talaga? S-sinabi na niya iyon?!" Waaaa!!! Shocks! Kinikilig ako! Wait paano ba 'to?! "Oo hija? Bakit?" Parang takang-takang sagot nito sa'kin. Nakangiting umiling ako. "Wala po! Hahah! Sige po susunod na po ako!" Nginitian naman ako nito at umalis na. Dali dali kong isinara ang pinto at nagtatalon sa sobrang kilig! "Kyaaaah!!!" Siguro, para sa iba ang babaw ko kiligin pero hindi eh. Malaking bagay na sa'kin 'yon! Tumingin muna ako sa salamin at tinignan ang sarili! Nag-spray pa ako ng pabango at nag-suklay. Okay! I'm ready! Ngiti-ngiti akong lumabas nang kwarto at bumaba. Kulang na lang ay mapunit ang mukha ko sa sobrang ngiti! "G-good evening s-sir!" Masayang bungad ko nang maabutan ko si sir Jared sa dinning. Woah! Ang daming pagkain. Naamoy ko pa ang pabango ni sir nang dumaan ako sa gilid niya. Lihim akong napasimangot nang hindi manlang ako tignan ni sir at pansinin. Bumuntong-hininga ako at naupo sa tapat niya. Bigla tuloy akong nakaramdaman ng pagkailang kasi sobrang tahimik, masyado pa siyang seryoso sa pagkain. Naisip ko rin naman na kaming dalwa lang ngayon ni sir ang nandito. So, para pala kaming nagde-date! Haha. Napangiti talaga ako ng todo! "S-sir.." "Sir!" tawag ko sa pangalwang pagkakataon. "Will you please stop calling me sir dahil wala tayo sa school. Okay? Just eat and shut up," masungit na sabi niya. Imbes na parang mahiya ay napangiti lang ako at nag-peace sign, alam kong ang weird ng ginawa ko. Dahil dun nagsalubong ang mga kilay niya at nailing pero dahil hindi ko rin talaga keri ang manahimik. "Sir! May tanong ako." "Sir!" tawag ko at napanguso. Huhu! 'Tignan mo naman ako oh' "What? I told you, stop calling me sir!" "Edi babe..." "W-WHAT?!" "Pft! Wala sir! Hahahahah!" Hindi ko napigilan ang matawa ng malakas. "Annoying..." sambit niya at nagpatuloy sa pagkain. 'Heheheh! Ang guwapo talaga niyang maasar!' "Eh! Ano bang gusto mo tawag ko?" Nakangiti kong tanong. Binaba ni sir ang kutsara at tinidor niyang hawak at tumingin sa'kin ng diretso. Para niyang pinag-aaralan ang mukha ko. "B-bakit sir?!" Ilang kong sabi at napalunok. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Nacoconcious ko ng tanong. Shet! Lalo akong naiinlove! Sir nemen weg mo nemen ako tignan ng genen! "Wala, kumain ka na lang," sagot ni sir. "And I'm done, tapusin mo na rin pagkain mo." Doon ko napansin na tapos na nga siyang kumain. Tumayo na si sir Jared. Napatitig pa ako sa kanya habang umiinum siya ng tubig. Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple ni Sir. Ang perfect niya, lahat naman yata ng galaw ni Sir Jared perfect sa paningin ko. "Wait sir!" tawag ko nang maglakad na siya palabas ng dinning area. Huminto siya pero hindi lumilingon. "Sir Jared, magpapa-quiz ka ba bukas?!" Makapal na mukhang tanong ko. "Just...just be ready Miss Gonzales," seryosong sagot ni sir Jared. Napangiti naman ako. *** "Sige girls punta nakong room ha?" Paalam ko sa kanilang dalwa. "Mamaya na lang lunch," sabi ni Rhea. "Sige sige babye!" Kumaway-kaway ako at nagmadaling bumaba ng building. Pero agad din bumagal ang lakad ko ng makita si Sir Jared. Shete! Makakasalubong ko siya. Sumulyap pa ako sa screen ng cellphone para tignan ang sarili at inayos ang bangs bago taas noong humarap para batiin siya. Here we go... "Hello Sir! Good morning!" Ngiti-ngiti kong sambit. Tinignan lang ako ni sir at tumango. Kahit ganon lang ang ginawa niyang response malaking bagay na 'yon para sa 'kin. Habol tingin ko pa siya nang makalampas sa tabi ko. "Aray!" daing ko nang biglang may bagay akong nabangga pagkalingon at kinatumba. Huhuh! Napangiwi ako sa lakas nang impact nang pagkakabagsak ko sa semento. Letche ang sakit ng balakang ko. "Ay p*tcha!" Mura naman ng isang lalaki. "Hala sorry!" agad kong paumanhin at tumayo. Sinamaan niya ako ng tingin. Sobrang sama dahilan para matakot ako. "Tignan mo ginawa mo!" galit na galit niyang sabi habang nakaturo sa basag na ilaw na nakadikit sa isang board tapos maraming kableng nakakabit kaso basag na ito at tangal tangal na. "Sorry na nga eh!" Parang bata kong paumanhin habang hinihimas ang balakang ko. Narinig ko siyang nagmura ulit! "Sorry! Tsk! Maayos ba ng sorry mo yang project ko ha! Alam mo bang ngayon na ang submission niyan! Pero ano ginawa mo!" "Hindi ko naman sinasadya e!" Protesta ko. "Tsk! Di kasi tumitingin eh!" bwelta pa nito. "What's going on here?" Parehas kaming napatingin sa nag-salita. Bahagyang nanlaki pa ang mata ko pero mabilis din nakabawi. "Sir Jared..." Tumingin siya sa 'kin sabay baling sa lalaking 'to! Hmp! Hahaha lagot ka ngayon sa babe ko este kay sir Jared. Whahahah! "Hindi po kasi siya tumitingin sa dinadaanan kaya nabangga niya itong peroject ko, tapos ayan nasira," iritang sumbong nito at sinamaan na naman ako ng tingin. "Sir, nag-sorry naman ako e, at saka hindi ko po talaga sadya," depensa ko. "If I'm not mistaken you are electrical engineer?" tanong ni sir sa lalaki. "Yes sir, pero submission po talaga ngayon ng project naming." "Edi sasamahan kita!" sabi ko dito. "Tch! Dapat lang ipaliwanag mo sa prof ko kung bakit hindi ako makakapagsubmit! Bukod dun bayadan mo 'to. Hindi mo alam kung gaano kahirap at ilang araw ko pinagpuyatang gawin 'yan!" "Hindi na kailangan ako na ang kakausap sa prof mo" biglang sabat ni sir bagay na talagang kinatuwa ko. Nyahahaha! Nice babe. "Pero—" "Ako ng bahala, sige pumasok na kayo sa klase n'yo," seryosong sabi ni sir bago kami tinalikuran kami paalis. "Tch! Pasalamat ka", sabi nitong lalaki sa 'kin at pinulot niya yung illustration board kung saan nakadikit kanina doon kanina yung mga ilaw at mga kable. Umalis na ito at ako naman ay tumakbo pasunod kay sir para pasalamatan. "Sir!!!" Huminto siya at seryosong lumingon. "Sir thank you ha" "Wala ka bang balak pumasok sa klase?" sagot lang niya. Napangiti ako. Ito talaga yung reason kung bakit mas lalo ko akong naiinlove kapag nagsusungit siya. "Syempre, Sir papasok." "You should go now, late na," sabay tingin niya sa suot na relo. "Okay, Sir!" nakangiting sagot ko at umalis na. Swerte ko lang dahil saktong pasok ko ng room dumating ang prof namin. Discuss Discuss Discuss LUNCH BREAK "Sa mall ba tayo mag-lalunch?" tanong ko kila Chelsy. "Dyan na lang sa canteen," sagot ni Rhea. Pumunta na kaming tatlo sa canteen. Humanap muna kami ng vacant seat bago sila pumila. Usually, kasi kapag talaga dito kami kumakain ako ang naiiwan bilang taga bantay ng mga gamit at silang dalwa ang bumibili. "Tssk. Dito lang pala kita mahahanap." Nanlaki ang mata ko at dahang-dahan nag-angat ng tingin. Teka! Siya yung lalaki kanina. Umupo siya sa harap ko. "Bakit? Ano kailangan mo?" mataray na tanong ko dito. "Tssk. Nalimutan mo na bang kailangan mo bayaran 'yung sinira mo?" sarkastic niyang sabi. "Eh hindi ko naman kasi sinasadya," sagot ko. "Tch! Sinadya mo man o hindi babayaran mo pa rin 'yon," asar niyang sabi. Aish! Paano ko nga babayaran kong wala naman akong pera! Hays! "Magkano ba?" Nakanguso kong tanong. "Limang libo." "Ano?!" gulat na gulat kong sabi. Teka, saan ako kukuha nun? Kung ni isang libo wala ako? "Bingi ka ba? Sabi ko limang libo or in English five thousand," sabay ngisi niya. Grr! Nakakaasar na 'tong lalaking to. "Wala akong pera!" "At problema ko pa 'yon?" "May sinabi ba ako ha?! Umalis ka na nga dyan! Mamaya na lang natin pagusapan," pagtataboy ko dito. Mabuti na lang tumayo na siya pero bigla niyang tinukod ang dalwang kamay sa table at nilapit ang mukha sa mukha ko. Halos maduling ako at sunod-sunod na napalunok. "Hihintayin kita sa parking lot five pm! Kapag hindi ka dumating patay ka sa 'kin!" sabi niya at ngumisi. Halos maghabol ako ng hininga nang ilayo na niya ang mukha at umalis. Saktong dating naman nila Chelsy dala na yung mga kakainin namin. "Shira, ayos ka lang?" takang tanong ni Rhea. "Ayos lang hehe!" "Weh? Mukha kang problemado?" sabat ni Chelsy. "Hindi ako problemado Madam! Gutom lang ako!" sagot ko kahit ang totoo ay iniisip ko pa rin kung saan ako kukuha ng ipambabayad sa lalaking yon! "Sus! Ayan oh kain na." Nagsimula na kaming kumaing tatlo at nagkwentuhan. Bumalik na rin kami sa kanya kanyang room pagkatapos para sa susunod na klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD