Chapter 1. Crush

1350 Words
Crush . . Maganda ang umaga. Nakangiti kong pinagmasdan sa ibaba ng gusali na kong nasaan ako ang nag-iisang crush ng buhay ko. My one and ultimate crush na si Karl. . Nasa ikalawang palapag ang silid paaralan ko. Hugis kwadrado ang gusaling ito na may lobby. Aabot sa limang palapag ang taas. Ang nasa ibaba o first floor, ay ang mga speed class o higher sections. Tapos ang medyo average lang ay nasa ikalawang palapag. In-short 'average' lang ako. Hindi naman ako matalino, pero hindi rin naman ako bobo. Late bloomer nga ika ni mommy. . "Ang gwapo talaga ni Karl Bret Falcon!" nakangiti kong tugon kay Mia. . Tinitigan ko nang mabuti ang maamong mukha ng ultimate crush ng buhay ko. Sabay nguya at subo sa tinapay na itlog ang palaman. . "OH EM GEE! Isay, laway mo!"  Sabay punas ni Mia sa gilid ng labi ko na nakangisi. . Karl Bret Falcon, my ultimate crush. Ultimate, kasi simula grade four hanggang ngayon  year 11 na ako ay siya pa rin talaga ang crush ko. . Matalino, matangkad, hindi masyadong maputi at katamtaman lang. May katawan din na parang modelo. Matangos ang ilong, maganda ang mata at mapupungay pa. Model type nga naman ang dating niya. Childhood friend ko si Karl. Kapit bahay rin kami. Oh, 'di ba and sweet lang din! . The only son of the Falcon family. They own the most popular cosmetic candy of showbiz world. Model at artista ang mommy niya. Tapos ang daddy niya naman ay isang businessman. They look so simple on the outside but very wealthy on the inner side. . Cosmetic Candy ang pangalan ng kompanya nila. In which they cater all beauty products nationwide and agencies too. Kaso medyo may pagka-snob siya na type at sobrang seryoso sa buhay. Kaya siguro na cha-challenge ako sa kanya. . "Grabe ka magka-crush, Isay ha! Ilang taon mo na bang crush si Karl? Dinaig mo pa ang millennial grade school hanggang highschool. Baka naman pag college natin siya pa rin!" Halakhak niyang tawa na lalong nagpapainis na sa akin. "You're so mean, Mia!" ngiwi ko sa kanya, sabay subo sa pagkain sa bibig ko. Panay titig ang mata ko sa baba kay Karl na napakagwapo. . Mia Suarez is my best friend since childhood. I mean since birth 'ata. Her mom and my mom are best of friend (bff). Mayaman ang pamilya nila Mia. Magkasosyo sa negosyo ang mama niya at ang mama ko.  Maliit lang ito, pero tamang-tama na. . Ang kaibahan nga lang sa amin ni Mia she is very outspoken. Kaya 'yan ang nagugustuhan ko sa kanya. Mapagkakatiwalan mo si Mia sa lahat ng bagay. Half Chinese-Pinay. Di ba ang ganda ng breeding! Hanggang balikat ang haba ng buhok niya. Straight black. Makinis na balat, maputi, medyo singkit ang mga mata. Matangos na ilong at maganda. . Kaso nga lang madaldal si Mia. Kung hindi nga lang siya madaldal nasa speed class na siguro siya ngayon. Maganda siya manamit at kahit school uniform namin ay ginagawang fashion style niya. In short mahilig sa fashion ang bruha! . Masayang kasama. Puro kalukuhan ang laman ng utak, at crush niya halos lahat ang mga gwapo sa campus namin. Matangkad nga lang ako ng konti sa kanya. . "Karl! I love you! Love said she loves yooou!" sa lakas na sigaw niya, at nanlaki na ang mga mata ko. . Napatitig agad ako sa baba at nakatingala na ang lahat ng kaklase ni Karl sa aming dalawa. At sa kahihiyan ay nagtago na ako. Ang lakas pa ng kaba ng puso ko. . "Shhh... Mia what are you doing?" Sabay sapak ko sa ulo niya. "It's okay, Isay. Hindi naman niya alam kung sino si Love?" Halakhak niya sa sarili na parang baliw. "Pahamak ka talaga! Tama na 'yan, nakakahiya!" . Sinapak ko pa siya ulit at talagang tumayo pa kaming dalawa para tingnan ulit ang baba. Baliw na nga, dahil lahat ng kaklase ni Karl ay nakatingin sa amin at pati na rin siya. Natulalang nakatitig na tuloy ako sa kanya. . Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan at nagtago pa ulit kami ni Mia, tapos tumayo kami at sabay na tumakbo. Lahat nang kaklase namin na nasa likod ay nakatingin habang tumatakbo kami palayo. . Breaktime kasi kaya maraming studyante ang nasa labas ng lobby. Ginagawa ko kasing part time ang snack time para titigan si Karl araw-araw. Ikaw ba naman ang magka crush ng sobra subukan mo kaya? Okay na 'to sa akin na araw-araw ko siyang nakikita at kompleto na ang boung araw ko. . Nakarating kami sa canteen. Grabe ang layo pala nang tinakbo naming dalawa! Hiningal ako nang sobra. Para akong sumali sa woman's marathon na 200 meter dash! . Napahinto ako na hawak ang tuhod ko.  Hiningal ako ng parang aso! Pero nabigla ako nang may biglang nag-abot ng mineral water sa harapan ko. . "Joining the marathon?" Sabay bigay niya sa bote ng mineral water. Wilkins pa binasa ko. "Oy, Salamat ha. Ang bait mo talaga!"  . Rinig kong sabi ni Mia. Sabay kuha sa tubig, na kung sino man ang nag abot ay hindi ko alam. Dahil magpa hanggang ngayon ay nakatitig pa ako sa lupa at hinahabol ko pa ang hininga ko. Habang ang dalawa kamay ko naman ay nakahawak sa magkabilang tuhod ko. . Kulay black na vans old skool na sapatos. Napakalinis ng dating. So clean leather na may lace-up. Naka-dark navy na trousers at makikita mo talaga ang linis ng pagkakaplantsa. A clean freak! Isip ko. Ito agad ang unang tumatak sa ulo ko. Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko. TInitigan siya mula ulo hanggang--dibdib? Dibdib talaga nahinto ang mata ko. Naguluhan pa tuloy ako at kumunot na ang noo ko. . Walang siyang singlet, kaya makikita mo ang hugis ng katawan niya. Very masculine pang Adonis ang peg 'te! Halatang nag g-gym sa ganda ng hubong ng katawan niya. At ang linis ng top uniform, pero bahagyang nakaluag naman ang kanyang kurbata, bakit? Ang perfect na nga 'di ba? Pero ang kurbata? Tsk! Ewan ko ba. . Maputi ng konti ang balat niya, medyo moreno na type pero 'di masyado. Magandang hugis na mukha, with a divided chin na konti. Hindi mo mapapansin 'pag hindi mo tititigan nang mariin. A dark light hazel eyes, na napakaganda, na kapag tinitigan mo ang kanyang mga mata eh, natutunaw ka ng sobra. Mapupungay din ang kanyang pilik mata. Itim na buhok at magagandang labi pa. . Very good looking, and his adams apple are visible. Matangkad pa siya kaysa kay Karl at ang bango niya. Iyong tipong pabango na hindi masakit sa ilong. . Who's this? Isip ko at kunot noo na rin. At talagang inulit ko pa siyang pinagmasdan mulo ulo hanggang paa. This is crazy, Isabella! . He probably noticed it because now he's smiling at me. With his white teeth, na parang modelo ng close up. Nakaukit pa ang dalawa niyang dimples sa magkabiling pisngi niya. . My God, Ang dimples niya! Para siyang si Sam Milby... Close to you? Harot 'te! . Kumalabog ang puso ko, at doon natigil ang mga mata ko sa dimples talaga. Saka ko binalik ang mga mata ko sa mga mata niya, kumindat pa ang walanghiya! Napangiwi na tuloy ako sa sarili ko. . "I'll see yah around!" Sabay talikod at lakad niya palayo. . At talagang nakatingin pa ako sa kanya. I was so puzzled that even the way he walks on his back is so sexy! Ang harot ko na ah! E, ang bata-bata ko pa! . "Ang gwapo talaga ni Charles," ani ni Mia sabay inom sa tubig. Nanlaki na ang mga mata ko. "Ano! S-Si Charles iyon!?" sabay kurap ko. . In the back of my mind. Isabella wake-up! The heartthrob of our campus. Ang pinapantasya ng mga kababaihan sa boung campus? OMG! Siya iyon? Ang dami nila ew! Ayaw kong makisali sa fun club nila. Mabilis ko lang na inayos ang sarili ko at pati na rin ang salamin sa mukha ko. . . C.M. LOUDEN/Vbomshell        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD