Acrine's POV Kung akala niyo maayos na ang lahat pwes nagkakamali kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong pag-paslang sa aking kapatid. "Sino ka?" nagulat ako nang marinig ko ang maliit na tinig ng batang nasa tabi ko. "Hindi na mahalaga kung sino ako." sabi ko naman sa kanya at tinakpan na ng panyong may masangsang na amoy ang kanyang ilong. "Hayan matulog ka na muna munting prensipe. Mas lalo mo lang pinapadali ang trabaho ko." sabi ko sa walang malay na prinsepe at gumuhit na ng pentagram sa lupa upang makapunta ako sa mundo ng mga tao. Lezlie's POV Habang kumakain kaming dalawa ni James ay bigla nalang ako kinabahan ng sobra. "Mahal ayos ka lang ba?" tanong niya naman sa akin. "Oo." sabi ko naman sa kanya at inilibot ang paningin ko. "Nasaan na nga ba ang anak natin?" tanong

