Lezlie's POV Halos ilipad kami ng malakas na hangin na sanhi ng kapangyarihan na bumabalot sa katawan ni James. Nagsisimula nanaman siyang maging isang halimaw. Hindi niya pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ni Poseidon na nasa katawan niya. Isa-isa namang naglabasan ang mga mata sa katawan niya at nagsisimula nanaman siyang maging isang halimaw. "Haha ganyan na James! Para mas gumanda ang laban!" sigaw naman ni Red habang sapo ang dumudugo niya pang mukha. James's POV Nagising ako sa mga patak ng tubig na naririnig ko. Unti-unti kong imunulat ang aking mga mga mata. "Nasaan ako?" taka kong tanong sa aking sarili. "Nandito ka lang naman sa loob ni Poseidon habang ang halimaw na hindi mo kayang kontrolin ay nagwawala na sa mga oras na ito." sabi naman ng lalaking ka boses ko at un

