Lezlie's POV Saksi ang kwartong ito sa aming pagmamahalan. Kung paano ko isinuko ang aking buong pagkatao kay James. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang maamong mukha ng taong mahal ko na mahimbing na natutulog. Kahit na masakit ang buo kong katawan ay pinilit ko paring bumangon. Tatayo na sana ako sa kama nang maramdaman ko ang braso ni James na naka pulupot sa bewang ko at hinila ako pahiga ulit sa kama. "Mamaya na tayo bumangon." sabi niya sa akin habang naka pikit parin. "Umaga na bangon na alalahanin mo nasa mundo parin tayo ng mga tao." sabi ko naman sa kanya. "Gusto ko pa ng isa--*PAK*" Hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil sinapak ko na siya sa braso. Pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Ganito ba talaga ang mga lalaki kapag naka a

