James's POV
"Jeo!" tawag ko sa pangalan niya at bumagon siya sa pagkakahiga niya sa damuhan.
"Anong kailangan mo?" bored niyang tanong sa akin.
"Ano bang alam mo tungkol sa nakaraan ng dalawang taong tinutukoy ni Prinsipe Red habang kausap si Acrine. Ako ba ang isang dun?" tanong ko sa kanya na agad naman siyang napabangon.
"Bakit ka ba nagtatanong wala ka ba talagang naalala kahit na isa. Akala ko ay nagpapangap ka lang upang mabawi mo ang kaharian mula sa kanila." sagot niya naman sa akin habang lumilinga-linga sa paligid.
"Wala talaga akong maalala. Kaya nga nandito ako upang magtanong. Pakiusap sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo." nakikiusap kong sabi sa kanya. Nagpakawala naman siya ng buntong hininga bago nagsalita.
"Ang nakaraan niyo ni Lezlie. Ako ang dahilan ng lahat nakipagkasundo ako kay Prinsipe Red upang makuha ang trono sayo." pagsisimula niya at halatang nakokonsensiya siya sa kanyang ginawa.
Ibig sabihin ay hindi dapat si Red ang naghahari sa kaharian kundi ako.
"Bakit mo ginawa yun?" kalmado kong tanong sa kanya.
"Nagseselos ako kasi lahat nasayo na. Mas magaling ka kaysa sa akin kaya ipinamana ni Ama ang kaharian sayo at hindi lang yun. Naiinis din ako na kahit ang taong mahal ko na si Prinsisa Acrine ay nagkagusto sayo. Nang nalaman ko na may pagtingin si Red kay Eliza o kay Lezlie ay sinamantala ko yun." seryosong sagot sa akin.
"Kung ganon bakit hindi ikaw ang namuno at bakit si Red ang namumuno ngayon sa kaharian?" naguguluhan ko paring tanong sa kanya.
"Hindi sila tumupad sa usapan. Naglaban kami at hindi ko siya kayang talunin. Yun yung araw na nakita mong naglalaban kaming dalawa at napuruhan ako. Hindi niya ako tinuluyan dahil sayo. Bukod doon ay may ipinainom siyang gamot sayo upang mapigilan ang pagbalik ng mga alaala mo. Patawad." sabi niya naman sa akin habang naka yuko ang kanyang ulo.
"Ganon din ba ang ginawa niya kay Lezlie? Ngunit bakit napunta siya sa mundo ng mga tao?" tanong ko naman sa kanya.
"Hindi ganon ang nangyari kay Lezlie. Ikaw ang may gawa non kaya napunta siya sa mundo ng mga tao. Sinubukan mong itakas siya kaya gumawa ka ng lagusan. Ngunit dahil sa buglaan kong pagsaksak sayo at natuluan ng dugo mo ang pentagram at hindi ka kasam kaya pumalya ang pagteteleport niya." paliwanag niya naman sa akin.
"Ganon ba ang dahilan kaya siya napunta sa sinapupunan ng kanyang ina sa mundo ng tao at isinilang muli?" sabi ko naman sa kanya.
"Ganon na nga ang nangyari." sagot niya naman sa akin.
"Anong nangayari at nagkaroon ako ng saksak sa tyan ko? Naglaban ba kami ni Red habang tumatakas kami ni Lezlie?" tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung totoo ba ang napanaginipan ko.
"Oo, yun ang dahilan kaya nawalan ka ng malay at hindi dahil na rin pag-sansaksak ko sa likuran mo. Madali lang naman babalik ang nawala mong alaala kung hindi ka lang niya pinapainom ng gamot na pumipigil sa utak mo na bumalik ang alaala mo." sagot niya naman sa akin.
"Kung ganon totoo nga ang mga panaginip ko kanina lang." sabi ko naman sa kanya.
"Bago ko nga pala makalimutan. Umalis ka na ngayon na dahil ipapaligpit ka ni Red dahil sa mga alam mong detalye." sabi ko naman sa kanya.
"Alam ko ang bagay na yun at---" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil may narinig akong tunog sa gilid namin.
Nilingon namin kung saan nanggagaling yung tunog at nakita namin si Lezlie na nakatayo sa gilid ng puno. Nakatulala siyang naka tingin sa amin.
Nang napansin niyang naka tingin din kami sa kanya tila nagising siya sa ulirat niya kaya agad siyang tumakbo paalis.
"Ikaw na bahala." sabi naman ni Jeo sa akin at tinapik ang balikat ko at umalis na.
Lezlie's POV
Naglalakad ako sa may hardin upang lumanghap ng sariwang hangin ng may narinig akong nag-uusap.
Nakita kong nag-uusap sila Sir James at Jeo. Ayaw ko sanang makialam kung ano ang pinag-uusapan nila.
Aalis na sana ako ngunit narinig kong may pinag-uusapan sila tungkol sa mga nakaraan na hindi maalala ni Sir James at kabilang doon ang pangalan ko.
Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno malapit sa kanila.
Kung ganon ay hindi totoo ang mga sinasabi ni Prinsipe Red sa akin. At walang sumpa ang mga bampira.Dahil ang totoo ay gusto nilang agawin ang kaharian kay Sir James.
Paalis na sana ako ng may natapakan akong marupok na sanga ng kahoy at napatingin ako sa kanila.
Patay anong gagawin ko!? Isa! Dalawa! Takbo!
Nakakalayo na ako sa lugar na yun kahit papano. Nilingon ko ang likod ko at wala namang naka sunod sa akin. Pagharap ko sa dinadaan ko ay nakita ko siya.
"Waahhh!!!" napasigaw ako sa sobrang gulat at napahinto sa pagtakbo.
"At saan mo balak pumunta?" tanong niya sa akin na may nang-aakit na ngiti sa kanyang labi.
"M-mag l-lalakadlakad." kinakabahan kong sagot. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin tungkol sa nalaman kong nakaraan namin.
"May naglalakad na palang tumatakbo. Sabihin mo Lez hanggang saan ang narinig mo?" tanong niya sa akin na matiim akong tinitigan. Habang papalapit ng papalapit sa akin at ako naman itong paatras ng paatras. Hangang sa naramdaman ko na nakasandig na pala ako sa isang puno at nacorner niya na ako.
"S-sa pagtakas natin kaya ako napunta sa mundo ng mga tao hanggang sa natapos." sagot ko naman sa kanya.
"Ngayon alam mo na ang lahat, anong balak mo mahal ko." bulong niya naman sa tainga ko. Pakiramdam ko pulang-pula na talaga ang mukha ko sa pinaggagagawa niya. He's trying to seduce me. I guess.
"Kung ano ang desisyon mo. Nandito lang naman ako na naka sunod sayo." sagot ko naman sa kanya at bahagya siyang lumayo ng kaunti dahil nararamdaman niya sigurong akward ang posisyon namin at hindi ako sanay na ganito siya.
Nginitian niya ako at nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko at bila niya akong hinalikan sa labi.
Panaginip ba ito?! Please wag na akong magising!
"Sa ngayon kailangan muna nating magpangap at mag manman sa mga kilos ng magkapatid. Wag kang magseselos hah?" sabi niya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Kung alam mo lang gustong gusto ko nang patayin ang babaeng yun.
"Hindi ako magseselos no, baka ikaw?" sabi ko naman sa kanya at tinaasan ko ng kilay.
"Pagkatapos ng problemang ito pangako babawi ako." sabi niya naman sa akin. Sows... Iniba niya lang yung usapan eh.
"Naiintindihan ko naman ang sitwasyon natin ngayon." sabi ko naman sa kanya habang naka busangot.
"Bumalik ka na sa kwarto mo baka hinahanap ka na ni KARIBAL." sabi niya naman sa akin. Yung totoo... Panaginip ba ito o hindi? Nakikita ko ngayon na nagseselos si Sir James.
"Sos, sabi na nagseselos ka. May crush ka sa akin no?" pang-aalaska ko naman sa kanya.
"Hindi ah, sige na bumalik ka na." pangtataboy niya sa akin saka tumalikod na siya. Kahit na naka talikod siya alam kong namumula siya dahil namumula ang tainga niya.
Hindi ko alam na may ganong side pala siya.
Ayie ang cute ng bebe ko. Charot...
♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update
Arigato salamuch hamnida ?