“NAKITA ko ang ex mo na may kasamang ibang babae sa gala kagabi.” Sandaling nabura ang ngiti sa mga labi ni Corrine nang marinig ang sinabi ni Mila. Hindi sila maituturing na malapit na malapit na magkaibigan pero magkakilala na sila mula pagkabata. Her family was also close to her family. Isa rin ang lolo nito sa mga naunang doktor na nakasama ng great grandfather niya noong maliit na klinika pa lang ang DRMMH. Kaya naman obligado siyang samahan ang babae nang makita siya nitong pumasok sa restaurant para sana magmeryenda. Makikipagkita sana siya roon sa pinsan ni Billy pero nagpadala ng text ang binata na mahuhuli nang kaunti. Mag-isa lang sa mesa si Mila. Ibinalik ni Corrine ang ngiti sa mga labi. Sa totoo lang, hindi niya gaanong sigurado kung paano magre-react sa sinabi nito. Hindi

