CHAPTER TEN Czarina PARA SA PROTEKSYON, iyon ang paulit-ulit ko na sinasabi habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Clarence. Kabado ako ngayon kasi may mali ako nagawa kanina pero buti at naisalba ako ni Jeni at Jovelle bago pa mahuli. Maling case file na binigay ko kanina dahil na rin kalutangan ko. Kinulang ako sa tulog kaya daig ko pa talaga ang totoong naka-droga ngayon. Iyon ay dahil kay Apollo na ginulo ako kagabi kaya heto at may pasa na naman akong pinakatatago-tago ngayon. Naiisip ko na na lumipat kung saan hindi na ako mahahanap pa ni Apollo kaso sino ba ang niloko ko? Kahit yata saang lupalop ako magtago ay makikita at makikita pa rin niya ako. It was my fault in the first place. Naiinis si Apollo na hindi niya ako malapitan dahil sa kapal ng bodyguards na meron si Cl

