CHAPTER SIXTEEN Clarence NANG dumating ako sa lokasyon ng bahay na tinitirhan ni Czarina, mga police mobile ang agad ko nakita. May dalawang ambulansya rin kaya mabilis na ako kumilos at bumaba ng aking sasakyan. "Sir, let us clear this place first," sambit ng isa sa mga kasama ko na bodyguards. Tatlo sila na nauna pang bumaba ng sasakyan kaysa sa akin. "Ako na ang bahala. Stay close, but do not meddle with my business here," I answered. "May protocol tayo, sir -" "Just this once, please?" Pakiusap ko at mukhang nakinig naman ang tatlo dahil umatras sila. That's when I decided to enter the place and look for Czarina. Alam ko na susunod sila sa akin agad dahil may sinumpaan pa rin na tungkulin ang tatlo kong kasama ngayon. "Czarina! Czarina!" sigaw ko habang hinahanap ko si Czarina sa

