CHAPTER EIGHT Czarina MULA ng lumabas si Dean sa suite na kinaroroonan ko, wala na kami naging kibuan ni Ellary. Kitang-kita ko naman na gustong-gusto niya ang pagkain na aking niluto. Para ngang ngayon lang siya nakakain ng lutong bahay na almusal. Siguro lagi silang order sa fast food dahil busy rin itong si Clarence. Tsk. . . tsk. . . “Where is Dean, Ella?” tanong ng baritonong tinig na pumukaw sa akin. Kanina lang iniisip ko ang lalaking ito, ngayon nasa harapan ko na. Nasapo ko ang magkabila kong pisngi at dinama biglang pag-init noon. Bakit sobrang gwapo ng lalaking ito? Paano huwag maging marupok? “Umalis na po, Dad,” Ellary answered. “He didn't eat before leaving.” Napahinga ako matapos marinig ang sinabi na iyon ni Ellary. Ang buong akala ko ay sasabihin niya na 'di gusto ni

